Zeinab Harake and Ray Parks Surprise Rana Harake Before Giving Birth

Sa bagong vlog ng content creator na si Rana Harake, ipinasilip niya ang isang espesyal na sorpresa na kanyang natanggap mula sa kanyang ate Zeinab Harake at sa fiancé nitong si Ray Parks. 

Alamin kung ano nga ba ang naging reaksyon ni Rana na talaga namang pumukaw damdamin ng mga manonood. 

RayNabs’s Thoughtful Gesture

Dahil ilang linggo na lang ay manganganak na si Rana, isang regalo ang hatid ng nakatatandang kapatid nitong si Zeinab Garake  at ng fiancé nitong si Ray Parks Jr. 

Sa simula pa lang ng nasabing vlog, makikita na ang effort ng ni Ray sa paghahanda ng kanilang sorpresa para kay Rana. 

Siya mismo ang nag-ayos at nag-inflate ng maternity pool bed na kanilang iniregalo sa nakababatang kapatid ni Zeinab. 

Ayon kay Zeinab, hindi lang basta-basta ang regalong ito—personal pa itong binili ni Ray mula sa Japan. 

“Hininga na lang ni Ray Parks, seryoso ka ba? Beke aabutin mo diyan!” biro ni Zeinab sa kanyang fiancé.

Habang abala si Ray sa pagbuo ng inflatable maternity bed, naikuwento ni Zeinab kung bakit nila naisipang ito ang iregalo kay Rana. 

Ayon sa ate ni Rana, hirap itong niyang dumapa dala ng kanyang pagbubuntis. Sa tulong ng nasabing inflatable bed, mas magiging komportable si Rana sa huling mga linggo ng kanyang pagbubuntis. 

Nang makita na ang surpresa ng soon-to-be Mr. and Mrs. Parks kay Rana, hindi nito napigilang maging emosyonal sa nakita.

“Shocks, puwede ko na ba ito i-try?” bungad ni Rana.

“Shoot na shoot ‘yong tiyan ko!” dagdag pa niya.

Ayon kay Rana, matagal na niyang hinahanap ang ganitong klase ng inflatable bed dahil malaking tulong ito sa kanyang pagbubuntis. Kaya naman ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang pamilya.

Bukod sa inflatable bed, isa rin sa mga pasabog na inihandog nina Zeinab at Ray para kay Rana ay ang monetary gift na s’yang makakatulong sa kanyang panganganak.

Hoy, grabe naman kayong dalawa! Iba talaga ‘yong nanay at tatay ko!” biro ni Rana habang mahigpit na niyayakap ang kanyang Ate Zeinab.

Netizens Reactions:

Samantala, marami ang naantig sa pagmamahalang ipinakita nina Zeinab at Ray para kay Rana kung kaya’t ipinadala nila ang kanilang mga mensahe.

@aynakaron515: “You’re so lucky to have an Ate like Zeinab plus point na lang talaga si Ray”

@ msslenna: “Sobrang saya nila tingnan, ang genuine ng bawat isa!”

@ErnalynGarfecio: Congratulations! Ang swerte mo nmn Rana sa sister and brother in law!”

@johairepaquit5213N “nakangiti ako mula umpisa tas mas lalo pang lumaki ngiti ko nung huli! Laptrip tumulo laway!  BTW, Happy Birthday po, buntis!”

@almajoycunanan_000: “Ang saya niyo panoorin, grabe na talaga best kuya ever Kuya Ray!”

@elizabethdescargar4028: “Sobrang swerte sa brother-in-law!”

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

10 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.