Dahil sa patuloy na pagpapasaya ng kanyang mga manonood online, isang malaking milestone ang ibinahagi ni Malupiton sa kaniyang mga followers.
Sa umpisa ng kanyang vlog, ikinuwento niya na tatanggap siya ng isang parangal mula sa Asian Pillar Awards 2025 na ginanap sa Okada Manila, kasama ang kanyang mga kaibigan.
Kilala si Joel Ravanera, a.k.a Malupiton, sa kanyang mga nakakatuwang skits online na talaga namang pumapatok sa kanyang mga taga-suporta.
Ang mga katagang “Bossing, kumusta ang buhay buhay?” ay ilan sa mga linyahang tumatak sa mga masugid na tagapanood ni Malupiton.
Bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon sa paggawa ng mga funny contents, ginawaran ng Asian Pillars Awards 2025 si Malupiton “Fast Rising Star In Digital Content Creation Award” noong February 21, 2025 sa Okada Manila.
“Akalain mo yun! Sa school wala ako ni isang nakukuhang award hahahaha dito pa sa kalokohan chumamba. THANK YOU LORD!” pasasalamat ni Malupiton sa kaniyang post.
Ang parangal na natamo ni Malupiton ay isang patunay ng kaniyang sipag, dedikasyon, at natural na talento sa paglikha ng digital content.
Samantala, itinanghal din ang Kolokoys TV, kung saan isa sa mga miyembro si Malupiton, bilang “Masters of Original and Engaging Content Award” sa nasabing event.
Nakilala ang Malupiton at Kolokoys TV sa kanilang mga relatable na contents at nakakatawang skits na madalas ay nagpapatawa at nakakarelate ang marami sa iba’t-ibang social media platforms.
Ipinahatid ng solid supporters ng Kolokoys TV at ni Malupiton ang kanilang pagbati sa natanggap na awards ng kanilang paboritong content creators.
Pedro Minga: “Deserve nyo kasi kayo nagpapasaya sa internet ngayon eh.”
Eman Reception: “Congrats bossing patuloy lang sa pangungupal HAHAHA”
Marlon Gomez: “Nawawala telaga boring ko sa buhay pag pinapanood ko mga vlog ni boss hahahaha.”
Arvy Archie: “Congrats bossing! Salamat sa mga video, nag papasaya sa amin araw-araw. God bless”
Jemelyn Flores: “Nakakatuwa naman, napaka down to earth mo boss.”
Congratulations, Malupiton at Kolokoys TV!
Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…
Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…
Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…
Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…
Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…
This website uses cookies.