Jai Asuncion’s Top 3 Must-Try Food Stops in Binondo, Manila

Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion para sa isang food trip adventure sa Binondo, Manila kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa kaniyang latest vlog, ibinahagi ni Jai ang kanilang masayang food trip at honest reviews sa bawat pagkain na kanilang nasubukan.

Binondo Food Crawl

Dahil kakatapos lang ng selebrasyon ng Chinese New Year, sinamantala ng grupo nina Jai Asuncion ang pagkakataong matikman ang iba’t ibang authentic Chinese dishes sa nasabing lugar.

Kwento ni Jai, noong nakaraang taon ay kanila ring sinubukan ang mga pagkain sa Binondo. Ngayong taon, handa na muli silang subukan ang marami pang kakaiba at bago sa kanilang panlasa.

Una nilang sinubukan ang Dried Squid, at ayon kay Jai, first time niya lang matikman ito. Sunod naman silang dumiretso sa pinipilahang fried siopao, na nagkakahalagang PHP35.

Kasunod nito, sinubukan nila kakaibang handog ng Nina’s Pancake—isang pancake wrap na may sibuyas, sausage, at chicken. 

Ayon kay Jai, para itong burger at pita sa unang kagat. Dagdag pa niya, medyo nahirapan siyang ma-appreciate ito dahil busog na siya mula sa mga naunang kinain.

Hindi pinalampas ng kanilang grupo na matikman ang Milky Bicho Bicho na mabibili sa halagang P70 pesos. 

Komento nina Jai, kahit medyo toasted at simple lang ang lasa, may kakaibang gatas na ginamit na nagbigay ng bagong twist sa classic sa nasabing tinapay. 

Sa kanilang patuloy na pag-iikot sa Binondo, iba’t ibang pagkain pa ang kanila pang tinikman—mula sa refreshing Sugar Cane Juice at Cream Puff ng Lily Baby Bakes, ang Sweet and Sour Pork, Mickey Bihon na may atay, at Chop Suey Soup sa Toho Panciteria, hanggang sa sikat na Mango Sticky Rice.

Samantala, hindi lang food trip ang nangyari, dahil nakasalubong din ni Jai sa Binondo ang Team Payaman member na si Vien Iligan-Velasquez.

Top 3 Picks

Bago magtapos ang kaniyang vlog, isa-isa silang magkakaibigan na nagbahagi ng kani-kanilang “Top 3” na pinaka pumatok sa kanilang panlasa. 

Para kay Jai, pangatlo sa kanyang listahan ang Cream Puff dahil sa magaan at natutunaw sa bibig na texture nito. 

Pangalawa naman ang Dried Squid, na kahit first time niyang matikman, ay nagustuhan niya—lalo na kapag sinasawsaw sa suka na may maraming sibuyas.

At higit sa lahat, ang kanyang Top 1—walang iba kundi ang Fried Siopao. “Sobra sobra sobra sobrang sarap niya para sa’kin! Ito ang pinaka pinakamasarap for me!” aniya

Watch the full episode below:

Likes:
0 0
Views:
54
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *