
Bilang part two ng kanilang Japan trip serye, ipinasilip ng Team Payaman momma na si Pat Velasquez-Gaspar ang ilan sa mga tagpo ng kanilang Osaka, Japan visit.
Alamin ang ilan sa mga hindi dapat palampasin na mga pook-pasyalan kung ikaw ay bibisita sa Osaka.
Osaka Aquarium
Sa kanyang bagong vlog, nagbahagi ng ilang mga sikat na destinasyon sa Osaka, Japan si Pat Velasquez-Gaspar.
Kasama nitong lumipad pa-Japan ang mag-ama nitong si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, at anak na si Isla Patriel Gaspar.
Una nilang binisita ang Osaka Aquarium, na kung saan tuwang-tuwa ang unico hijo nitong si Isla.
Tampok sa nasabing pasyalan ang ilan sa mga ocean-themed na mga atraksyon gaya ng indoor aquarium.
Laking tuwa ni Isla ng masilayan ang mga bibe, mga isda, at masubukan ang iba’t-ibang mga aktibidad sa loob ng nasabing pasyalan.
Nara Park
Hindi kumpleto ang Japan experience ng Team Velasquez-Gaspar kung hindi nila binisita ang Nara Park.
Kilala ang Nara Park ng Japan dahil sa mga usa na game na game na nakikipag-kulitan sa mga turista.
Isa sa mga binabalik-balikan sa Nara Park ay ang pakikipag-laro ng mga ito at ang pagpapakain ng mga usa.
Hindi maipagkakaila na labis ang tuwa at galak na naramdaman ni Isla habang nakikipaglaro sa mga usa.
“It [feels] so good to be back here. Una n’yang [Isla] na-encounter ang mga deer doon sa aming Christmas lights,” kwento ni Mommy Pat.
Umeda Sky Building
Hindi rin pinalampas nina Mommy Pat, Daddy Keng, at Isla na mabisita ang sikat na sikat na Umeda Sky Building.
Ang nasabing pasyalan ay may apatnapung palapag na kung saan ang pinakatuktok ay dinadayo upang makita ang skyline ng nasabing lugar.
Bukod sa mga pasyalan, sikat din ang Osaka, Japan sa kanilang mga putahe na talaga namang binabalik-balikan ng mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Watch the full vlog below:
