Gonzaga Sisters Take On ‘Hot Ones’ Challenge with Their Husbands

Bilang pagdiriwang ng Valentine’s Day, inimbitahan ng aktres na si Alex Gonzaga ang kanyang kapatid at kapwa aktres na si Toni Gonzaga, kasama ang kanilang mga asawa na sina Mikee Morada at Direk Paul Soriano para sa isang juicy Pinoy Hot Ones Couples Challenge.  

Anong rebelasyon nga ba ang kanilang ibinunyag pagdating sa kanilang mga buhay may-asawa?

Pinoy Hot Ones Couples Edition

Sa bagong vlog ni Catherine Gonzaga, a.k.a Alex, ikwinento niya na siya ay kumuha ng inspirasyon mula sa First We Feast Hot Ones series, isang American YouTube talk show na nag-iimbita ng mga sikat na personalidad upang sumagot ng mga kontrobersyal na tanong.

Talaga namang hot seat ang hatid ng nasabing hamon dahil bukod sa mga katanungan, ang mga naimbitahan ay kinakailangang kumain ng pakpak ng manok, balot ng maanghang na sauce.

Kasabay ng pagtikim nila ng mga hot sauces, kinakailangang sagutin din ng mga ito ang ilan sa mga tanong patungkol sa buhay mag-asawa. 

Ang tambalang “PaulTin” nina Paul at Toni ay sampung taon nang kasal. Samantala, ang “MiLex” naman na sina Mikee at Alex ay apat na taon nang mag-asawa. 

Sa unang antas, ang katanungang kanilang nakuha ay kung ano nga ba ang importanteng sangkap sa pagpapanatili ng kasiyahan sa isang relasyon.

Para kay Toni, ito ay “sharing things that we love to do together”. Ilan sa halimbawang kanyang ibinigay ay ang sabay na pag-ehersisyo, paglalakad, at pati na rin ang pagiging playful and childlike.

Sinang-ayunan naman ito ng kaniyang asawang si Paul, at idinagdag pa niya ang importansya ng pagpaparamdam na pagmamahal mo sa iyong partner.

Para naman kay Mikee, mahalaga ang pagkakaroon ng quality time, na kung saan ibinibigay n’ya ang kanyang oras at atensyon sa misis nitong si Alex.

Ang iba pang tanong na kanilang sinagot ay patungkol sa mga paboritong memorya kasama ang isa’t-isa, mga pagbabago na kanilang napansin sa kanilang relasyon, best personality traits, toxic traits, jealous traits, at marami pang iba.

Noong napag-usapan naman kung ano ang kanilang mga plano para sa araw ng mga puso, ibinida ni Toni na ang relasyon nila ni Paul ay tila araw-araw Valentine’s Day sa pamamagitan ng mga sorpresa gaya ng love letters.

Ibinahagi rin ni Alex ang katanungan na kaniyang madalas natatanggap mula sa mga netizens: Kung ano nga ba ang sikreto in finding “the one?”

Ipag-pray niyo,” payo ni Toni. 

Let the Lord tell you if He is the one,” dagdag naman ni Alex.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

16 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.