Categories: SALE & PROMOTIONS

EXCLUSIVE: Luxe Beauty & Wellness Group Marks Three Years of Success

Kamakailan, idinaos ng Luxe Beauty and Wellness Group ang Thanksgiving Night 2025 sa pangunguna ng kanilang Chief Executive Officer (CEO), Anna Andrea Magkawas, bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta at naging bahagi ng kanilang tagumpay.

Sa temang “Unmasking the Night,” maraming social media at TV personalities ang dumalo suot ang kanilang  eleganteng masquerade outfits, na nagbigay saya at kulay sa nasabing event.

Night of Honors

Bilang bahagi ng pagdiriwang, pinarangalan ng Luxe Beauty and Wellness Group, sa pangunguna ni Ms. Anna Magkawas, ang kanilang natatanging distributors bilang pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pagpapakilala ng top-trending Luxe products sa mga Pilipino.

Ang nasabing parangal ay isang paraan ng nasabing kompanya upang ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa mga business owners na walang sawang sumusuporta sa misyon nilang maghatid ng de-kalidad na produkto sa masa.

Bukod sa awarding, nagbigay ningning sa nasabing event ang presensya ng mga kilalang personalidad gaya nina Ruffa Mae Gutierrez, Aubrey Miles, Troy Montero, Zeinab Harake, Dominique Roque, Elisse Joson, Team Deavy, at iba pa.

Hindi rin nagpahuli ang Luxe Skin Ambassadors na sina Alexa Ilacad at Miss Universe Philippines Muntinlupa 2025, Winwyn Marquez, baon ang pasabog performances para sa mga dumalo sa engrandeng Thanksgiving Party.

The “New Luxe Baby” of Luxe Skin

Bago matapos ang event, pormal na ipinakilala ng Luxe Beauty and Wellness Group CEO Anna Magkawas ang “New Luxe Baby” o ang bago nilang Brand Ambassador—walang iba kundi ang Fourth Big Placer ng Bahay ni Kuya, Kaisha Denniel Montinola, o mas kilala bilang “Kai” sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 11 “Gen 11”.

“It’s an honor. Kasi, thank you for trusting me. Thank you for trusting me to be an ambassador. Also, for inviting me tonight to sing and to perform in front of all of you. It’s such a pleasure to be here, to perform in front of you,” ani Kai.

Pasilip pa lang sa bagong produktong ilalabas ng Luxe Skin, hindi na napigilan ng mga netizens na magalak sa bagong Brand Ambassador nito.

“Congratulations to all of you. God bless all. So beautiful, Ma’am Anna.”

“Kai [is] glowing with Luxe.”

“Happy 3rd Anniversary, Ma’am Anna Magkawas. More years to come with Luxe Slim!”

“Congratulations, Kai! Welcome to Luxe Skin!”

“The best CEO, Anna Magkawas, mahal lahat ng distributors nila,” komento ng mga netizens. 

viyline.net

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.