Sa pagtungtong ng ikatlong buwan ng bunsong anak nina Mommy Oni at Tito Vince na si Baby Tyronne, cuteness overload ang hatid nito sa kanyang fast food chain-inspired outfit sa kanyang photoshoot.
Kasama ang The Baby Village Studio, ibinahagi ng ToRo Family ang behind-the-scenes ng McDo Crew-themed photoshoot ng bunso ng kanilang munting pamilya.
Sa kanilang bagong YouTube vlog, masayang ibinahagi ng ToRo family ang kanilang preparasyon para sa ikatlong buwan ni Baby Tyronne Valentine Fowler Flores.
Umaga pa lamang ay sinalubong na ng kanilang pamilya ang ikatlong buwang selebrasyon ni Baby Tyronne habang kinakantahan nila ito kasama ang cute na cute na si Ate Hapi.
Hinandugan din nina Mommy Oni, Daddy Vince, at ate Tyronia ang kanilang bunso ng isang mini cake bilang pagdiriwang ng buhay ni Baby Tyronne.
Suot ang maliit na puting polo, itim na visor, at apron, talagang namang cuteness overload ang hatid ni Baby Tyronne!
Matatandaang Jollibee ang naging tema ng second month photoshoot ni Baby Tyronne, dahilan upang maging isang mini McDonald’s crew ito ngayong buwan.
Hindi mawala ang abot-tengang ngiti nito habang kinukunan ng litrato, sa tulong ng The Baby Village Studio.
Makikita rin sa nasabing vlog kung paano inaliw ni Mommy Oni ang anak upang mapangiti ito sa gitna ng photoshoot.
Samantala, samu’t saring reaksyon naman ang natanggap ni Baby Tyronne mula sa mga netizens ng ibahagi ni Mommy Oni ang kanyang cute photos online.
“Happy 3rd month, baby boy!”
“He [Baby Tyronne] is the best part of this reality show!”
“Ang gwapo ni Lab [Baby Tyronne]!”
“Nakisama siya sa photoshoot, sobrang cute!”
Watch the full vlog below:
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
This website uses cookies.