Ninong Ry x Team Payaman Collab: Cong TV Shared His New Life Mantra

4 years in the making

Makalipas ang halos apat na taong paghiling ng mga netizens, sa wakas ay ibinida na ni Ninong Ry ang Team Payaman Wild Dogs na sina Cong TV, Boss Keng, Dudut Lang, Burong, Yow Andrada, at Awi Columna sa kanyang YouTube channel. 

Sa kanilang pinaka-unang cooking collaboration, isang masarap na putahe ang inihanda ng mga ito, na sinamahan pa ng makabuluhang kwentuhan. 

Heartfelt Talk

Bukod sa tawanan at pagluluto, taas noong pinag-usapan nina Ryan Morales, a.k.a Ninong Ry, at  Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV  ang mga bagay na pinagsisisihan niya sa buhay.

Ang ganda ng posisyon ng buhay mo ngayon eh. Andun ka sa isang posisyon kung saan pangarap lang ng iba ‘to pero nakamit mo na. Pero meron ka pa rin bang pinagsisihan na bagay?” tanong ni Ninong Ry.

Ayon kay Cong, ang mga oportunidad na kanyang pinalampas dahil sa pagiging mahiyain ay isa sa mga bagay na kanyang pinagsisisihan.

Ibinahagi rin niya na ang kanyang pinakabagong life mantra ay: “Say yes to everything!” 

Kumbaga, sa pagta-try ko nang pagta-try, d’un ko nadi-discover na madali lang pala. Kaya lang pala,” ani Cong. 

Dagdag niyang kwento ay ngayon niya lang din unti-unting sinusubukan ang mga bagay-bagay kagaya na lang ng kanyang mga hosting at livestream gigs.

Sa huli ay nagpasalamat ang isa’t isa sa pagbibigay ng oras para sa kanilang collaboration video. 

Touching Comments

Bukod kay Ninong Ry, marami sa mga nakapanood ang natuwa sa words of wisdom na hatid ni Cong TV.

@Gloria Fox: “Such a real and heartfelt moment. Thanks for sharing, Cong TV!”

@MangKeeon TV: “Well noted boss cong. Bukas mag resign na ako..tutuloy ko na tong cooking vlog ko kahit maliit ang views masaya pa rin”

@mingzmayhem: “I think this interview was the most in depth interview cong has ever been. Thank you Ninong Ry for inviting Cong TV and Team Payaman. Cong TV and Team Payaman will be considered as a foundation in the history of PH Vlogging, this really means a lot to all the fans of Team Payaman and to your fans, Ninong Ry.”

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

7 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

10 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.