Cong TV, Junnie Boy, & Boss Keng Face Off In An Ultimate Cook-Off Challenge

Matapos sumalang nina Dudut Lang, Viy Cortez-Velasquez, at Ninong Ry sa pilot episode ng Kusina Wars serye ni Viviys, sunod na lumahok sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng.

Bukod sa kanilang nakakatawang contents, may ibubuga kaya ang mga ito pagdating sa pagluluto? Alamin kung sino nga ba ang tatanghaling kampyon pagdating sa kusina. 

The Cook-Off

Sa bagong vlog ng 28-anyos na vlogger na si Viy Cortez-Velasquez, masaya nitong ibinida ang contenders ng second episode ng kanyang Kusina Wars serye.

Ang mga inihandang putahe ng mga kalahok ay s’yang titikman at bibigyan ng puntos ng mga hurado.

Taas noong tinanggap nina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng ang hamon ni Viy.

Classic Pinoy Pork Sinigang ang napiling putahe ni Viy na lulutuin ng mga kalahok, na kanilang kailangang matapos sa loob ng isang oras. 

Binigyan din ang mga ito ng kalayaan na lagyan ng kakaibang twist ang kani-kanilang mga lutuin.

“Si Cong ang mananalo d’yan! Sinadya ko na tanging alam ni Cong ang lulutuin [nila]” biro ni Viviys.

Mas binigyang kulay ng mga kalahok ang nasabing hamon nang mag-bitaw ito ng mga nakakatawang komento laban sa isa’t-isa.

“Ang turo ni Papa, kapag nagluluto, dapat may pagmamahal! ‘Di mo alam ‘yun, ‘di mo naman naging Papa ‘yun!” biro ni Cong kay Boss Keng. 

May kanya-kanyang atake ang mga kalahok pagdating sa pagluluto ng Sinigang gaya ng paraan ng pagluluto gamit ang  kanilang mga requested ingredients.

And The Winner Is…

Matapos matikman ang pangmalakasang Sinigang nina Cong, Junnie, at Boss Keng, isa-isa itong pinuntusan ng mga hurado.

Sina Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, Aaron Macacua, a.k.a Burong, Tita Krissy Achino, Viviys, Yow Andrada, at Kuya Terio ang humusga sa luto ng Team Payaman Trio.

Bukod sa lasa, kinilatis ng mga ito ang histura, amoy, at paraan ng pagkakaluto ng kanilang Sinigang. 

“Ang sarap!” reaksyon ni Viviys.

“Hindi tinipid, pero tinamad!” biro ni Tita Krissy nang matikman ang luto ni Junnie.

“Sarap kumain ng hollow blocks!” hirit naman ni Yow kay Boss Keng.

Nang tikman ito ng mga hurado, nangibabaw ang Classic Pork Sinigang ala Cong TV, kung kaya’t  siya ang itinanghal na kampyon. 

Funny Comments

Samantala, inulan naman ng mga nakakatawang komento mula sa mga manonood ang kauna-unahang cook-off ng Team Payaman boys.

@feitceira: “Gusto pa may harang, ano yan exam? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

@bretheartgregorio1886: “50% luto 50% trash talk. Burong Yow and Steve naman sana next!”

@ChelMaderazo: “Laugh trip talaga itong si Tita Krissy Achino hahahaha! Next episode sino kaya?”

@darwincasidsid4941: “Hindi tinipid pero tinamad! LT”

@msmanalo1562: “More kusina wars kasama silang tatlo. Ang saya lang panoodin!”

@labzero4158: “Super confident si Junnie at Keng. Sa huli, luto pala nila pinaka malalait HAHHAHAHAHAHAHAH!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

4 hours ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

2 days ago

Summer Outfit Ideas ft. Muyvien Apparel’s Everyday Basics Collection

Let’s be real—summer fashion is a balancing act. You want to look cute, but you…

2 days ago

Team Payaman’s Genggeng Falls for Viy Cortez-Velasquez’s “Pumutok ang Panubigan” Prank

Maalala na binigyan ng Team Payaman vlogger na si Viy-Cortez Velasquez ng latest iPhone ang…

2 days ago

Score Exclusive Deals and Marked-Down Prices At Ivy’s Feminity Payday Sale

Just in time for summer, Viy Cortez-Velasquez and Ivy Cortez-Ragos’ very own clothing line —Ivy’s…

2 days ago

Achieve Fresh and Flawless Summer Skin With Viyline’s BB Loose Powder

The summer season is one of the best opportunities to flaunt your well-loved skin. Have…

3 days ago

This website uses cookies.