Mommy Viy and Kidlat Share Adorable Culinary Bond in Their Latest Cook-off Vlog

Unending cuteness ang hatid ng Team Payaman mother-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at Kidlat, sa kanilang latest cook-off vlog. 

Mula sa paglalaro, pamamasyal, at iba pang activities, ngayon naman ay tunghayan ang all-time favorite bonding ng mag-ina sa loob ng kusina.

Mommy Viy x Kidlat

Sa kanyang latest vlog, ibinida ng Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez ang fun cooking session na kung saan nagluto siya ng Baked Macaroni at Egg Sandwich kasama ang kanyang unico hijo na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a, Kidlat.

Dahil ginabi na ng gising si Kidlat, minabuti na lang ni Mommy Viy na gawing midnight snack ang kanilang inihandang mga putahe, na kanilang sinimulan sa paghahanda ng egg sandwich spread, sa pangunguna ni Kidlat.

Kwento ni Viviys, kadalasan niyang kasama ang anak sa paghahanda ng pagkain, dahil bukod sa bonding, nagsisilbi rin itong educational activity para kay Kidlat. 

Hindi napigilang matuwa ng soon-to-be mom of two habang tinitikman ang inihandang sandwich spread ni Kidlat.

“Yummy!” buong galak na reaksyon ni Mommy Viy.

Sunod namang niluto ng mag-ina ang baked macaroni, at tulad ng naunang putahe, punong-puno rin ito ng cuteness, at creativity, na hatid ni Kidlat. 

Kidlat the Smart Kid

Sa gitna ng nasabing vlog, hindi maitatanggi na bukod sa kakayahang tumulong kay Mommy Viy sa pagluto, ay kakaiba ang galing nito pagdating sa pananalita.

“Maraming nagtatanong sa akin, bakit si Kidlat magaling magsalita, Tagalog o English,” pagbabahagi ni Mommy Viy. 

Ayon sa kanya, malaking bagay ang tamang pakikipag-usap ng mga kasamahan nito sa loob ng bahay sa pagturo kay Kidlat na matutunan ang tamang gawi ng pananalita.

Pangalawa, as early as 6 or 10 months ata… nag-homeschool na siya. Ngayon, music and arts. Next week, mag-i-start na siya ng Mandarin [at after,] Learning Ville na rin,” dagdag pa nito.

As the vlog went on, tuloy pa rin ang kulitan ni Mommy Viy at Kidlat, habang masaya nilang ginagawa ang kanilang midnight snacks. 

Good job, Kidlat!

Samantala, hindi napigilan ng mga manonood na matuwa sa angking talino at cuteness overload na hatid ni Kidlat. 

@AnnMayKim-xm5qz: “Amaze na amaze ako lagi sa way of pagsasalita ni Kidlat. Good job Kidlat, more offend moments pa because it’s so cute of you. That’s your charm, baby!” 

@MommyJ_3228: “Good parenting! Being firm with do’s and don’t’s, but in a very nice way. See the outcome, hindi nagwawala yung bata. Salute to Viy & Cong. As a parent, ikaw mismo nakakaalam ng “own way” to build up your child’s personality.”

@niavelronquillo1101: “Grabe yung talino ni Kidlat, super observant hehe the way na ginamit nya yung serving spoon sa milk kasi ganon yung ginawa ni Viy. Arghhh kakyuuuut na bebi”

Watch the full vlog below: 

Angel Asay

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.