This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo.

Sa likod ng kanilang matatag na samahan, ay ang pagtutulungan nito na mapabuti at mapahaba ang kanilang relasyon mag-asawa.

Stronger Relationship

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip nito sa kanyang mga manonood ang part 2 ng kanilang Japan Anniversary trip. 

Sa nasabing vlog, taos-puso pinag-usapan ni Vien, kasama ng asawa nitong si Marlon Velasquez Jr. a.k.a Junnie Boy, ang nagpapatibay ng kanilang relasyon.

Habang kumakain, nagbatuhan ang dalawa ng mga katanungan na kailanma’y hindi pa nila natatanong sa isa’t-isa.

Naging bukas si Junnie sa kanyang mga nararamdaman pagdating sa komunikasyon nilang mag-asawa.

Pinatunayan din ng dalawa na mahalagang elemento ang pagkakaroon ng komunikasyon lalo na’t pagdating sa mga bagay na kanilang napagtatalunan.

“Wala naman kasi tayong problema eh, kapag nag-aaway tayo, nakakalimutan ko na” kwento ni Vien sa asawa.

Ibinahagi rin ni Vien na hindi mawawala sa kanilang relasyon ang tampuhan ngunit matagumpay naman nila itong nalalampasan. 

“Naniniwala ako na we’re growing together, kasi may mga bagay na mahina ako tas si Vien talaga nagpapalakas sa akin” salaysay naman ni Junnie

Muling binalikan ng dalawa ang kanilang unang pagsasama noong sila ay magkaibigan pa lamang.

Ayon sa mag-asawa, nakaramdam ang mga ito ng koneksyon matapos nilang mag-usap sa kauna-unahang pagkakataon.

“Sa Kombath party, d’un kami nag-open [up], doon kami nag-match” kwento muli ni Vien.

Para sa kanila, isang malaking bagay para sa kanilang pagsasama ang pagkakaroon ng pagkakaparehas pagdating sa kanilang pag-uugali at interes.

Touching Comments

Samantala, marami naman ang nagpahatid ng kanilang pagbati para kina Junnie at Vien para sa kanilang anibersaryo.

@dmrdgz: “I suggest na gawin niyo ‘to once in a while! Cute couple! Stay strong love birds!

@ShainaMacabuat: “May this kind of relationship find me!”

@graceperez8267: “I am praying to God na mas pagtibayin pa kayo. Ewan ko ba sobrang happy kong panoorin kayo. Standard ko na yata relationship. Ang feel good lang. Ang dami kong natutunan sa inyo na pwede kong ma apply sa future fam ko. Labyuuu Velasquez-Iligan Fam!”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.