Doc Alvin Francisco Reveals the Reality of the Philippine Healthcare System

Upang mabigyan ng kaalaman ang kanyang mga manonood sa kalakaran ng mga doktor sa bansa, isang makabuluhang vlog ang ibinahagi ngayon ng resident doctor ng Team Payaman na si Doc Alvin Francisco.

Pre-Med Training

Sa kanyang bagong vlog, binigyang linaw ng medical expert slash content creator na si Doc Alvin Francisco ang ilan sa mga gawi ng mga medical professionals sa bansa. 

Bilang isang doktor, nagbahagi ito ng ilang mga katotohanan na lingid pa sa kaalaman ng ilan nating mga kababayan.

Aniya, ang mga nais na maging isang doktor ay kinakailangang kumuha ng pre-medical course habang sila ay nasa kolehiyo pa lamang. Sunod naman ang pagsabak sa duty na kinakailangan bago maging isang ganap na medical professional.

Ibinahagi rin ni Doc Alvin ang kanyang naging karanasan mula sa pagiging estudyante, at isang clerk,  bago maging isang ganap na doktor.

Nilinaw ni Doc Alvin na parte ng pre-med training ng mga clerks ay ang pag-usisa sa kalagayan at lifestyle ng mga pasyente bago ito bigyan ng gamot o hindi kaya’y bago ito sumailalim sa anumang procedure.

Ang internship naman ang sunod sa proseso bago maging isang rehistradong doktor. Ang mga interns ay may kakayahan ding umusisa ng pasyente, at makiisa sa operasyon at iba pang mga procedures.

Common Misconception

Hindi lingid sa iba ang paniniwala na ang ilan sa mga clerks o student trainees ay ginagamit ang kanilang mga pasyente sa pagsasanay ng iba’t-ibang medical procedures.

Pagkatapos makabasa ni Doc Alvin ng ilan sa mga komento ukol dito, hindi na ito nagdalawang isip na bigyang tuldok ang patuloy na lumalaganap na paniniwala.

“‘Yan po talaga ang katotohanan sa loob ng ospital. Kailangan po ‘yan pagdaanan ng mga batang doktor para masanay sila, at ako po ay pinagdaanan ko din ‘yan,” paliwanag nito.

Siniguro naman ni Doc Alvin na sa likod ng katotohanang ito, ligtas at may gabay pa rin ang mga pasyente mula sa mga mas nakatatandang mga doktor.

“‘Wag po kayong mag-alala, dahil mayroon po silang senior doctor na nagga-guide sa kanila,” dagdag pa ng doctor vlogger.

Nilinaw din ni Doc Alvin ang dahilan kung bakit madami ang bilang ng interviews at mga pagtutusok sa tuwing may pumapasok at lumalabas ng ospital.

“‘Yan po ang dahilan kung bakit napakaraming nag-interview, napakaraming tumusok, at napakaraming uri ng doktor ang na-encounter n’yo. Lahat po ng doktor, pinagdaraanan ‘yan, at ‘yan po ‘yung way upang mahasa ang mga batang doctors natin,” kwento nito.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

9 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.