Rana Harake and Antonio Enriquez Announce Pregnancy to Second Baby

Bago matapos ang 2024, isang biyaya ang natanggap ng mag-nobyong Rana Harake at Antonio Enriquez.

Tunghayan ang nakakaantig na pregnancy announcement ng nakababatang kapatid ni Zeinab Harake.

Baby #2 is Coming

Sa kanyang bagong vlog, ginulat ng 23-anyos na vlogger na si Rana Harake ang mga manonood sa kanyang magandang balita.

Ibinalita nito ang 20-weeks na pagbubuntis nito sa pangalawang supling nila ng nobyong si Antonio Enriquez II.

Isang emosyonal na video announcement ang handog nito sa kanyang mga manonood, kung saan ibinahagi rin nito ang reaksyon sa kanilang pagbubuntis.

Isa rin sa mga ibinahagi ng mag nobyo ang mga naging paghahanda sa pangalawang pagbubuntis ni Rana.

Mula sa pregnancy cravings hanggang sa kanyang mood swings, tila kabisado na ni Tonyo ang kanyang nobya.

“Ngayong pregnancy ko, hindi ka nahihirapan?” tanong ni Rana.

“Hindi ako nahihirapan,” sagot nito.

Ikwinento ng dalawa na planado ang kanilang pagbubuntis dahil limang taon na ang tanda ng kanilang panganay na si Niesha.

“Actually, pinipilit ko talaga s’ya nung saktong five years old na si Niesha. Gusto ko nang mag-anak, gusto ko nang sundan si Niesha,” kwento ni Rana.

Naging bukas ang mag-asawa sa reyalidad na hirap pa ang mga ito na ihanda ang kanilang panganay sa pagdating ng kanilang bunso.

Nang tanungin si Neisha, nais aniya nitong magkaroon naman ng lalaking kapatid.

“Baby boy, wow! He wants a baby brother!” reaksyon ng excited mommy.

Supportive Family

Nang una nitong ipinahatid ang balita sa kanyang pamilya, hindi maitago ng mga ito ang saya pagbubuntis ni Rana.

“Seryoso? Congrats, congrats, congrats!” reaksyon ng kanyang Kuya Sam.

“Wow! Wow!” buong tuwang sambit ng kanyang ama.

Kaagapay din ni Rana ang kanyang Ate Zeinab sa kanyang pagbubuntis na nagpahatid ng kanyang suporta para sa nakababatang kapatid.

“Wala akong kasangga sa buhay kung hindi si Ate. Si ate lang kasi ‘yung nakaka-alam lang talaga ng pregnancy ko,” kwento ni Rana.

Touching Messages

Ipinahatid naman ng ilan sa mga malalapit na kaibigan at taga-suporta nina Rana ang kanilang pagbati sa pagdating ng kanilang baby number 2.

@KyoQuijano: “So happy for you both bff kong clingy! Can’t wait sa bago nating baby!”

@ZeinabHarakeVlogs: “I love you guys!”

@lantisespiritu: “Finally, it’s out! Congrats, Enriquez family!”

@Itsmelissaenriquez: “Congrats, Ru!”

@ConconFelix: “Yay, baby number two! Ate na si Niesha!”

@dwisieee: “‘Yung reaction ng papa nila, napaka genuine. Tapos, kitang kita pagiging supportive ni Zeinab. Congratulations to Mama Rana and to the family Enriquez!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

12 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

1 day ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

3 days ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

4 days ago

This website uses cookies.