Masalimuot man ang naranasan ng mga Bicolano dulot ng mga sunod-sunod na bagyo nitong mga nakaraang buwan, tuloy pa rin ang kanilang pag-asa at lakas ng loob sa kabila ng ‘di mabilang na mga pagsubok.
Naging tulay rin patungo sa pagbangon ang mga tulong mula sa mga may magagandang loob na patuloy na nag-aabot ng kamay sa mga nasalanta.
Bayanihan Relief Operations
Bago matapos ang buwan ng Nobyembre, bumyahe ang ilang volunteers mula sa Viyline Group of Companies upang maghatid ng pag-asa at ngiti sa mga biktima ng bagyo sa Bicol Region sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods.
Ang pondo na ginamit sa operasyon ay nagmula sa bahagi ng kita mula sa 11.11 Bayanihan Sale ng Viyline, Baao Travel Vlog ng Viyline Media Group na mapapanood sa YouTube channel ni VIYLine CEO, Viy Cortez-Velasquez, pati na rin ang mga mabubuting loob na nagpadala ng tulong pinansyal direkta kay VIYLine General Manager at Strong Mind Foundation Founder and President, Mr. Rolando Cortez.
Sa bayan ng Baao, nagsimula ang Team Viyline sa pamamahagi ng mga relief goods at munting tulong na labis na ikinatuwa ng mga mamamayan, lalo na ng mga frontliners na siyang pangunahing tumulong noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.
Their Story
Ang mga munting tulong na ipinagkaloob ng Team Payaman ay may malalim na kahulugan sa mga tumanggap nito. Bagamat simpleng handog lamang, ang mga ngiti at pasasalamat ng mga biktima ay nagpapakita ng malaking epekto ng tulong sa kanilang pag-asa at muling pagbangon mula sa trahedya.
“Malaking tulong po itong binigay ng Team Payaman, especially sa mga Baaoeños… On behalf of BNS Federation Baao, we would like to thank Team Payaman and the Viyline,” masayang pasasalamat ni Ma. Lourdes Pateño, isang opisyal ng Barangay Nutrition Scholars.
Kasama rin sa mga nakatanggap ng ayuda ang mga ordinaryong mamamayan, tulad ni Norma Doroin, isang tindera sa Baao Public Market, na labis na naapektuhan ng bagyo.
“Yung mga gaya ko, ako, actually yung mga paninda ko sa palengke, wala, inanod na lahat. Sa bahay ganun din, hanggang leeg yung tubig. Lahat basa, nalunod ng tubig. Yung mga gamit, wala na,” malungkot na wika ni Norma.
“Ay, jusko po. Kung yung epekto, grabe. Doon sa lugar namin, yung tubig hanggang [dibdib,] back to zero po talaga kami doon sa amin,” kwento pa ni Joan Aliazes, isang residente ng Baao.
Bagamat malungkot at puno ng pagsubok ang kanilang mga sinapit, muli pa rin nilang pinatunayan na sa kabila ng lahat ng pagsubok, ang mga Bicolano ay hindi matitinag. Sila ay tunay na mga Oragon— matatag, at may pusong puno ng pag-asa sa kabila ng unos.