Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang Halloween Party ng kanilang homeschool teacher.
Silipin ang mga cute na Halloween costumes na hatid ng Team Payaman Kids at ilang mga aktibidad na ginawa ng mga ito.
Sa bagong Facebook reel ni Viy Cortez-Velasquez, hatid nito ang pasilip sa munting Halloween party na ipinagdiwang sa kanilang bagong bahay.
Ang nasabing Halloween Party ay pinamunuan ng homeschool teacher ng Team Payaman Kids na si Teacher Faye.
Dinaluhan naman ito nina Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi, Alona Viela, Isla Patriel, at Sun-Sun suot ang iba’t-ibang karakter gaya ni Spiderman at Elsa ng Frozen.
Bilang supportive parents, naghanda si Mommy Viy ng mga pagkain at ilang Halloween-themed giveaways para sa kanyang anak at mga pamangkin.
“Ang assignment ko ay gift para sa Halloween party ng mga bata,” kwento nito.
Dagdag pa ni Viviys: “Ang saya ng ganitong activity!”
Hindi pa man nagsisimula ang party ay nagpapakitang gilas na si Kidlat suot ang kanyang Spiderman costume na s’yang ikinatuwa ng mga manonood.
Lalong naging masaya ang kanilang munting Halloween party nang dumating na ang mga pinsan ni Kidlat suot ang iba’t-ibang mga karakter.
Kanya-kanyang mga pumpkin baskets ang dala nina Viela, Mavi, at Isla upang makahingi ng ilang sweet treats mula sa kanilang Tita Viviys.
Bukod dito, nakiisa rin ang Team Payaman kids sa pagkanta, pagsayaw, at ilang mga palaro ni Teacher Faye.
Maging ang mga Titas of Team Payaman ay nakiisa rin sa pagsayaw at pagkanta ng kanilang mga pamangkin.
Hindi napigilan ng mga netizens na ipahatid ang kanilang tuwa sa cuteness overload na hatid ng Team Payaman kids.
Chelle Glinoga: “Kidlat being OA and Isla being nonchalant.”
Elvira Lu: “Ang cute ng mga bata!”
Charo Encinarial: “Happy Halloween!”
Liezel Estrada: “Ang cute nila!”
Lanny Baronia: “Cute ni Kidlat, kuhang kuha nya si Spiderman!”
Watch the full video below:
Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…
A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…
Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…
Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…
A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…
As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…
This website uses cookies.