Team Payaman’s Kevin Hufana Unlocks New Talent as Host Keboy

Bukod sa kanyang mga nakakatuwang TikTok videos, isa sa mga talentong nadiskubre ng Team Payaman member na si Kevin Hufana kamakailan lang ay ang kanyang kakayanan pagdating sa hosting.

Tunghayan ang pagkilala ni Keboy sa panibagong talentong kanyang ibubuga bilang isang Communication Arts student.

Host Keboy at your Service

Kilala sa kanyang mga nakakatuwang TikTok contents online, isa pa sa talentong ipinamalas ng Team Payaman member na si Kevin Hufana ay ang angking galing nito sa pagho-host.

Sa isang TikTok video, ibinahagi ng executive assistant ni Cong TV na napapansin nito ang sunod-sunod na pagsabak nito sa hosting.

Aniya, isa ang kanyang mga kaklase sa mga naging dahilan kung bakit ito napipili bilang host ng kanilang mga events sa eskwelahan.

“Palagi sa school, kapag may event, ako ‘yung pinaghohost nila! Sabi nila: marunong ka palang mag-host,” kwento nito.

Inamin ni Kevin na hindi nito napapansin ang kanyang talento sa hosting dala ng kanyang pagiging mahiyain sa harap ng maraming tao.

“Ang lakas ng kaba ko kapag feeling ko maraming nakatingin sa akin,” ani Keboy.

Dala ng kanyang galing sa pananalita, naimbitahan ng grupo ng Ayala Alabang Camera Club si Kevin upang mag-host sa kanilang event.

Bagamat nagdadalawang-isip ito bago sumalang sa entablado, taas noong sinubukan ni Kevin ipagpatuloy ang kanyang pagiging host.

Dagdag pa ni Keboy: “Why not give it a try? Baka nga tama sila? [Baka] may future nga ako sa hosting?” 

Payo naman ni Kevin sa mga nagnanais simulan ang kanilang karera: “Kailangan mo lang din magtiwala sa sarili mo, kaya mo ‘yan!” 

More Gigs Soon

Sa nasabing TikTok video, ipinahatid din ng mga taga-suporta ni Kevin ang kanilang pagbati sa nasabing Team Payaman member.

TARA KAY KUYA EL! on Spotify: “Host Jam is shaking!”

D to the Zone: “Ikaw na si KeVOICE!”

Mommyclaudz: “Mima, naririnig mo ba sarili mo? Ang ganda ng intonation mo, ang clear ng words. ‘Di ako magugulat na magiging kilala kang host!”

Beauty&wellness05: “Maganda ka kasi mag deliver ng mga words!”

pat b: “Congrats!” 

Mariah & Saxon: “Pwede po kayo maghost sa wedding namin?”

Talaga namang maraming aabangan mula kay Kevin Hufana ngayong nagsisimula na ito sa kanyang karera bilang isang host.

Gusto niyo rin bang makita si Host Keboy sa nalalapit na Team Payaman Fair: The Color of Lights 2024? Abangan!

Watch the full video below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.