Green Flags That Made Zeinab Realize Ray Parks is The One

Isa sa mga kinakikiligan ng netizens ngayon ay ang real-life couple na sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr

Sa likod ng kanilang ultimate “sana all” moments ay ilan sa mga green flag sna taglay ni Ray, dahilan upang pumayag si Zeinab na magpakasal dito. 

Sa pinakabagong episode ng Offbeat series sa YouTube channel ni Viy Cortez-Velasquez, ibinahagi Zeinab ang ilan sa mga nakita nitong magagandang katangian sa kanyang fiance. 

Simplicity

Tatlong buwan na ang nakalilipas nang ibigay ng vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang matamis na ‘oo’ sa nobyo nitong si Ray Parks na isang professional basketball player.

Bukod sa engrandeng paghahanda ni Ray para sa proposal, isa sa mga hinangaan ni Zeinab ay ang pagiging simple nito pagdating sa kanyang sarili.

“N’ung proposal, sobrang na-touch talaga ako sa kanya. Kahit s’ya hindi n’ya inisip sarili n’ya. ‘Yung suot n’yang coat, ilang beses n’ya nang nagamit ‘yun,” kwento ng 25-anyos na vlogger. 

Dagdag pa nito: “Grabe ‘tong taong ‘to… ang laki ng nagastos mo sa proposal pero hindi mo naisip na laanan ‘yung sarili mo. Wala s’yang pakialam do’n as long as sumagot ako.”

Dahil dito, nagpasya si Zeinab na ibigay sa kanyang fiancé ang kinita mula sa kanilang proposal vlog.

“‘Yung monetization ko, ‘yung proposal, ibinigay ko sa kanya kasi hindi ko kayang perahin pa ‘yun te! At least may nasimulan na kaming ipon para sa kasal.” 

A Giver

Isa rin sa mga hinahangaan ni Zeinab sa kanyang soon-to-be-hubby ay ang pagiging mapagbigay nito sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Si Daddy Ray ibibigay n’ya ang lahat, tapos magastos s’ya sa family, mas giver s’ya. Sobrang kuripot n’ya sa sarili n’ya.”

Walang pag-dadalawang isip namang sumang-ayon si Viviys sa mga ibinahagi ni Zeinab ukol sa kanyang partner.

“Nakikita ko ‘yun sa mga vlog at tsaka kapag kausap ko s’ya. Nakikita ko na ready na talaga s’yang maging daddy at asawa,” komento ni Viviys.

A Shoulder To Cry On

Bukod sa pagiging nobyo, isa rin sa mga hinangaan ni Zeinab kay Ray ay ang pagtulong nitong mapabuti ang kanyang mental health.

“[Noong] sunod-sunod na ‘yung mga nangyayari sa akin [tapos] hindi ko na kinakaya, tinulungan n’ya ako na maging okay,” kwento nito.

Pati ang pagkonsulta sa doktor ni Zeinab ay isa na rin sa mga ginagampanan ni Ray na s’yang ikinatuwa naman ng vlogger.

“S’ya [Ray] ang naglabas ng peace ko sa katawan,” dagdag pa nito.

Healthy Relationship

Kakaiba rin daw ang pamamaraan ni Ray sa paglutas ng kanilang problema bilang mag-nobyo.

Kwento nito, ipinakilala pa ni Ray si Zeinab sa konseho ng kanilang simbahan na nakatutulong din upang magabayan ang relasyon ng dalawa.

“Kada may problema s’ya, kapag galit s’ya or what, bigyan mo s’ya ng time [tapos] magdadasal ‘yan,” saad ni Zeinab.

“Kukuha ng Bible ‘yan, magdadasal ‘yan o tatawag ‘yan sa pastor, makikipag-usap s’ya. Kapag may negative akong nasasabi, [sinasabe n’ya]: Sorry, I have God!” dagdag pa nito.

The Disciplinarian

Pagdating sa pagdidisiplina ng mga anak, kaagapay din ni Zeinab ang tumatayong ama nina Lucas at Bia.

Kwento ni Zeinab, binigyan nito ng karapatan ang nobyo na matulungan siyang maturuan ng magagandang asal ang kanilang mga anak.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
148
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *