Team Payaman’s Mavi and Viela Splash into Their First Swimming Class

Maligalig, masigla, aktibo; mula sa mga nakakaaliw na videos, meme-worthy snaps, hanggang sa fun activities kasama ang Team Payaman, ‘yan ay ilan sa mga pang-uring maihahambing natin sa Team Payaman siblings na sina Von Maverick Velasquez at Alona Viela Velasquez.

Sa bagong vlog ni Mommy Vien, hindi rin inurungan ng magkapatid ang bagong adVIENture matapos silang kumasa sa swimming class sessions sa Blueworld Dive Center sa Paranaque City.

Swimming Class

“For today’s video, may magaganap na swimming class for Mavi and Viela. Para magkaroon sila ng activity, lalo na si Mavs kasi mahilig siya sa tubig. So, kailangan niya talaga ‘to,” bungad ni Mommy Vien Velasquez sa kaniyang latest YouTube vlog.

Dagdag pa ng mag-asawang Vien at Junnie Boy, bagama’t mahilig sumama sa aquatic outings ay hindi marunong lumangoy ang Iligan-Velasquez siblings.

“Mahilig sila mag-swimming pero ‘di sila marunong mag-swimming,” ani Mommy Vien.

Aquatic Skills

Tinulungan ng swimming instructors sina Mavi at Viela na maging pamilyar ang pakiramdam sa tubig, maging komportable rito, at para ma-enjoy ito nang ligtas.

Bagama’t umiiyak at nakakaramdam ng takot si Viela ay maayos pa ring itinuloy ang flow ng klase. Mayroong ibinigay na mga laruan para sa kanya para sa gano’y malibang siya’t makalimutan ang kaba.

Inoorasan lang siya sa paglaro, nagka-countdown, at saka’y tinutuloy ang session. 

“Ayaw!” paiyak na sigaw ni Viela.

“Pag nagbibilang na eh umiiyak na,” natatawang saad ni Mommy Vien.

Sa pagpatuloy ng swimming session, patuloy na sinanay ng mga bata ang water safety, floating, aquatic breathing, kicking, coordination, diving, at iba pang essential skills sa tulong ng kanilang mga magulang at coaches.

Sa kabila ng patuloy na pag-iyak ni Viela, isa ring takot at nangangamba ang panganay na kapatid na si Mavi. 

“Tuloy tuloy lang tayo dun sa mga activity… medyo may iyak lang [pero] yung muscle memory, ma-re-retain yun. Hindi nila alam, ginagawa na nila,” paliwanang naman ng kanilang coach.

Good job, Mavi and Viela!

Sa huli, na-enjoy rin ng magkapatid ang aquatic activities at talaga namang inulan sila ng papuri mula sa coaches, sa mga magulang, maging sa netizens!

@s4rough: nakakatuwa naman si vielaboo HAHAHAHAHA sobrang cutieee! kuya mavi naman ang galing, ambilis matutooo! good job mavi and viela!

@andylouise2434: i missed your uploads miii! good job kuya mavi & vielaboo super cutie huhuhu

@alisandrearemolador2555: soon si vielaboo hindi na magkacry yan kundi siya na magsabi swim na sila. hehehe cutie vielaaaa, good job kayo ni kuya mavi 💙

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.