5 Lessons to Take Note From Ate Ivy Cortez-Ragos’ Mini-Vlog Serye

Habang abala ang panganay na kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Ivy Cortez-Ragos sa kaniyang mga tungkulin bilang ina, asawa, kapatid, negosyante, at empleyado ng Viyline, sinimulan niya na rin ang paggawa ng mini-vlogs na ngayo’y sinusubaybayan ng maraming netizens. 

Hindi lamang aliw ang hatid ng kaniyang videos, kundi naglalaman din ng mga makabuluhang aral. 

Family First

Isang pangunahing mensahe ng mga mini-vlogs ni Ate Ivy ay ang pagpapahalaga sa pamilya. Ipinapakita niya na kahit gaano ka-busy, mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng oras para sa pamilya. 

Sa kanyang mga vlog, makikita ang mga simpleng ngunit quality time kasama ang kanyang mga anak at asawa.

Pinapatunayan niya na siya ay present sa lahat ng pagkakataon; sa hirap at ginhawa. Kaya naman, nang magkasakit ang pamilya, todo alaga siya sa mga ito. 

“Sa totoo lang, sleepy na rin ako kaso hanggang 12 midnight ang last na inom [ng gamot] ng mga bata. Ang Daddy naman nila ay sick din, pinayuhan din na mag-rest dahil humina raw ang lungs niya… kaya sabi ko matulog na rin siya, ako na ang bahala sa mga bata.”

Honor Your Parents

Ipinapakita ni Ivy Cortez-Ragos na ang pagmamahal at paggalang sa mga magulang ay hindi naglalaho kahit na may sarili na siyang pamilya. 

Sa kaniyang mga vlogs, palaging may pagsalubong at paalam kay Papa at Mama, na nagpapakita ng kanyang pagpapahalaga sa kanila. 

Ayon sa kanya: “Totoong ‘pag nanay ka, maraming sakripisyo… kaya mahalin natin ang magulang natin dahil hindi natin alam ang sakripisyo at hirap nila.” 

@ivycortezragos

Regalo🎁 Thank you @Viy Cortez-Velasquez @Yiv Cortez and Dhie Love you all! Salamaaaaat!🙋🏻‍♀️💓

♬ original sound – Ivy Tumbaga Cortez-Ragos – Ivy Tumbaga Cortez-Ragos

@ivycortezragos

Eto na poooo… Congratulations TP Kids🏆 shout out kay ate saka sa mga na meet kong taga JRU!💓

♬ original sound – Ivy Tumbaga Cortez-Ragos – Ivy Tumbaga Cortez-Ragos

Value Your Career

Bilang isang negosyante at empleyado, nagbibigay si Ivy Cortez-Rahos ng halaga sa kaniyang trabaho. Sa kaniyang mga vlog, ibinabahagi niya ang kaniyang mga gawain, tulad ng pag-sign ng mga dokumento, meetings, at iba pa.

“Pagpasok ko po, ang unang una nating dapat gawin ay mag-check ng viber, email at ng messenger… kailangan nating mag-reply sa ating mga influencer at suppliers. Kailangan din nating mag-update kay papa, kay mama, at siyempre, mag-update ng records at mag-check ng for approvals,” aniya.

Ipinapakita niya na mahalaga ang pagsisikap at dedikasyon sa bawat trabaho, anuman ito.

@ivycortezragos

Tara at alamin ang mga dapat trabahuin!🙋🏻‍♀️💞🤍

♬ original sound – Ivy Tumbaga Cortez-Ragos – Ivy Tumbaga Cortez-Ragos

@ivycortezragos

Last Day na natin bukas kaya habol na po!!!😉♥️

♬ Refreshing city pop like a clear May sky(1552129) – orino

Foster Positive Work Relationships

Sa kaniyang mga mini-vlog, ipinakita rin ni Ate Ivy ang kahalagahan ng magandang ugnayan sa trabaho. 

Minsan, binibigyan niya ng pagkain o munting regalo ang mga staff. Madalas din niyang kasama ang mga ito tuwing lunch time at nagsasagawa rin siya ng fun activities na talaga namang na-e-enjoy ng bawat isa.

Ang simpleng gestures na ito ay nagtataguyod ng magandang samahan sa loob ng opisina, na nagbibigay ng positibong kapaligiran para sa lahat.

Always Be Grateful

Isang mahalagang mensahe na ibinabahagi ni Ate Ivy ay ang pagpapahalaga sa mga positibong komento at suporta mula sa kanyang mga tagasubaybay dahil nagsisilbing inspirasyon ito para sa kanya. 

Sa kabuuan, ang mini-vlog serye ni Ate Ivy Cortez-Ragos ay hindi lamang nagbibigay ng aliw kundi nagsisilbing inspirasyon at gabay sa ating pang-araw-araw na buhay.  Mula sa pagpapahalaga sa pamilya at trabaho hanggang sa pagiging mapagpasalamat, ang mga ito ay tunay na aral para sa ating lahat.

Likes:
0 0
Views:
360
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *