Carlyn Ocampo Successfully Fools Von Ordoña With a Hilarious Accident Prank

Muling nagbabalik sa pagiging prankster ang content creator na si Carlyn Ocampo bilang paghihiganti sa pagprank sa kanya ng asawa nitong si Von Ordoña.

Tunghayan ang makapigil-hiningang “accident prank” na isinagawa nito upang makabawi sa asawa. Napagtagumpayan kaya n’ya ito?

The Plan

Sa bagong YouTube vlog ni Carlyn Ocampo, ibinahagi nito sa kanyang mga manonood ang nakakapanindig-balahibong plano nito laban sa asawang si Von Ordona.

Una nitong kinasabwat ang ilan sa malalapit nilang kaibigan upang masiguro ang tagumpay ng kanilang binabalak.

“Inaantay ko talaga ang pagkakataong ito para makaganti,” bungad ni Carlyn.

Ayon kay Carlyn, nagtatampo ito sa kanyang asawa dahil hindi pa niya nagagamit ang sasakyan ni Von magmula noong una itong nabili.

“Hindi ko pa rin nada-drive, alam n’yo kung bakit? Kasi ayaw n’ya, wala s’yang tiwala,” paliwanag ng vlogger.

Naisipan nitong i-prank ang asawa gamit ang nasabing sasakyan na kung saan aarte ito na may sinapit na aksidente.

Nag-renta ng wrecked car ang grupo ni Carlyn at kumontsaba ito ng kunwaring may-ari ng nabanggang sasakyan upang makita ang magiging reaksyon ni Von sa diumano’y insidente.

It’s a Prank!

Bago pa man simulan ang prank ay nagkita-kita muna ang mga kasabwat ng Team Carlyn upang mapag-usapan ang plano.

Nang makasa na ang kanilang balak, agad na nagtungo ang kanilang grupo sa lugar kung saan plinano ng mga ito na i-prank si Von.

Agad na lumipat si Carlyn sa driver’s seat upang maipakita kay Von na s’ya ang nagmamaneho ng kanyang saskayan.

Sunod na sinimulan ng grupo ang kanilang aktingan na kanila ring kinunan upang maipakita kay Von.

“Ano ‘yung nabangga?!” laking gulat ni Von.

Walang pagdadalawang isip itong umalis ng bahay at inalam ang lagay ng asawa at ng kanyang sasakyan.

“Okay lang ‘yan. ‘Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanila mamaya,” mensahe ni Von sa asawa. 

Pagdating sa lugar ng aksidente, kalmadong kinausap ni Von ang mga pekeng biktima upang lutasin ang problema.

“Ma’am, kalmahan n’yo lang po,” bungad ni Von.

Maya maya pa’y humihingi na ng kabayaran ang mga pekeng biktima, dahilan upang tutulan ito ni Von.

“Kung ako po ang magsasabi sa inyo na kalahating milyon, malabo po ‘yun. Parang po akong bumili ng bagong sasakyan,” aniya.

Nang uminit na ang tensyon ng magkabilang panig, hindi na napigilan ni Carlyn na ihiyaw ang mga katagang “it’s a prank!”

Hindi makapaniwala si Von sa nabanggit ng asawa dahilan upang usisain muna nito ang mga nangyari.

“Nakahinga na ako ng maluwag! Napakagaling n’yo po [umarte]!” biro ni Von.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

3 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

5 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

5 days ago

This website uses cookies.