3 Moments That Prove That Viy Cortez is The Second Mom We Never Had

Bukod sa pagiging hands-on mom sa anak na si Kidlat, hindi rin maitatanggi na isa si Viy Cortez-Velasquez sa mga paboritong “tita” ng Team Payaman kids.

Tunghayan ang ilan sa mga tagpo na magpapatunay ng pagiging certified second mom ni Viviys sa kanyang mga pamangkin.

Spoiler Tita

Bago pa man maging Tita ng Team Payaman babies, una nang naging pangalawang ina si Viy ng kanyang mga pamangkin mula sa ate nitong si Ivy Cortez-Ragos.

Sa isang Facebook post, ipinahatid ng kanyang Ate Ivy ang kanyang pasasalamat kay Viviys sa mga pasalubong nito mula sa kanilang bakasyon sa Japan noong nakaraang taon.

“Dumating na balikbayan box ni Viy mula Japan. ‘Yung mga anak mong binuksan lahat! Busy sa pasalubong ng Tita Viy nila. Thank you Viviys!!! Thank you din sa bigay mong pabango samin! Salamat!” ani Ate Ivy sa nasabing post.

Bukod dito, isa rin sa itinuturing na “love language” ni Viviys sa kanyang mga pamangkin ay ang pagbili ng mga kailangan nito, lalo na’t pagdating sa pag-aaral.

Sa isang Facebook reel, matatandaang binilhan ni Tita Viy ang pamagkin niton si Liyah ng bagong smartphone na magagamit nito sa kanyang pag-aaral.

“Nagpapalambing sa akin ang pamangkin ko, so naghahanap ako ng perfect na phone para sa kanya.”

Laking pasasalamat naman ng kanyang pamangkin nang matanggap na ang regalo ng kanyang Tita Viviys.

Kulitan Time with Mavi

Una naman ang anak nina Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Von Maverick, a.k.a Mavi sa naging pamangkin nito sa Team Payaman.

Sa isang Facebook post ni Vien noong 2021, ibinida nito ang ilan sa mga tagpo na kung saan masayang nakikipag-bonding sina Viy at Cong TV sa kanyang panganay.

“Etong picture na ‘to at video ay bago nila malaman na buntis si Viy. Sign na pala to [na mabubuntis si Viy]. We love you!” ani Vien.

Supportive Tita to Gaspar Kids

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng Pamilya Gaspar ang gender reveal ng panibagong adisyon sa kanilang pamilya.

Gaya ng inaasahan, abot-langit ang tuwa at suportang ipinakita ni Viy sa kanyang mga pamangkin at natupad pa ang hula nitong lalaki ang magiging kapatid ng panganay na si Isla.

Sa vlog ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar, nakunan ang tagpong hinulaan ni Viy ang kasarian ng kanyang pangalawang supling.

“Kami nila Cong, team boy kami! Alam mo ba na never ako nagkamali noon sa’yo, kay Isla, kay Viela, tsaka sa akin [kay Kidlat]?” kwento ni Viviys.

Saad naman ni Viy sa isang Facebook post, “May bagong kalaro [si Kidlat].” 

Yenny Certeza

Recent Posts

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

5 days ago

Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…

5 days ago

Agassi Ching Finally Gets His Dream Toyota Prado After 8 Years of Vlogging

Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…

7 days ago

Turn Moments Into Memories with Viyline Print’s HQ Photo Canvas

Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…

7 days ago

This website uses cookies.