Patuloy na dumadami ang mga tagasuporta at tagapanood ng mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail sa iba’t ibang social media platforms.
Pero sa likod ng mga nakakatuwang content ay ang reyalidad kung saan nakatatanggap sila ng iba’t ibang klase ng bashing online. Alamin kung pano nila ito taas noong hinaharap at nalampasan.
Sa pinakabagong vlog ni Agassi Ching, inimbitahan nito ang mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail sa isang Q&A mukbang upang mas lalo pa ito makilala ng kanilang mga manonood.
Isa sa mga nais malaman ni Aga ay kung paano nalagpasan ng mag-asawang Whamos at Antonette ang kaliwa’t-kanang pangbabatikos na natanggap online.
“May mga times na nagkakaroon kayo ng issue ‘di ba? Paano n’yo tinatanggap ‘yun at ano ‘yung take n’yo d’un?” tanong ni Aga.
Una nang isinaad ni Whamos na hindi naging madali sa kanila na makarinig ng mga isyung nakikita nila online na walang katotohanan.
“Ang pinaka mas masakit sa amin ‘yung maniniwala ‘yung mga tao [sa] hindi naman totoo. Hindi ako masasaktan kung ‘yung kumakalat na issue [ay] totoo,” aniya Whamos.
Inamin din nito na minsan na siyang pumatol sa mga bashers lalo na’t walang katotohanan ang mga ibinabatong issue.
“Labas pasok na lang sa tenga [‘yung issue]. Hinahayaan na lang namin pero minsan rume-rebutt ako kapag talagang masasakit na ‘yung nararamdaman namin,” dagdag pa nito.
Ipinahatid din ni Whamos ang kanyang pasasalamat sa mga tunay na nagmamahal at sumusuporta sa kanyang pamilya.
“Thank you sa patuloy na pagsuporta sa amin ni Antonette. Sa mga basher, ‘di na mawawala ‘yan! Maraming salamat pa din dahil kahit basher namin kayo, nanonood pa rin kayo sa’min.”
Matapos mapanood ang nasabing Q&A, maraming mga manonood ang nagpahatid ng mga mensaheng nakapagpapalubag-loob para kina Whamos at Antonette.
@eyrodriguez: “Godbless po sa inyong tatlo! Sana mas sipagan nyo pa mag upload ng mga vlogs nyo para mas marami pa kayong mapasayang tao. Wag isipin ang mga bashers, ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa nyo hanggat wala kayong tinatapakan na tao.”
@Teamkulet_Vlog: “Tama po si kuya whamos ang dami daming gumagawa ng fake account nila tapos mang sscam ng mga taong nagmamahal sa kanila.”
Watch the full vlog below:
Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…
Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…
Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…
Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…
With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…
CIELO Girls have more reasons to get excited this December as CIELO brings back its…
This website uses cookies.