Isa ang content creator na si Agassi Ching sa mga hinahangaan ng marami dahil sa kanyang mga nakakatuwang content online.
Sa likod ng mga kakaibang content ay ang katotohanan sa likod ng pagbuo ng mga konsepto ng kanyang mga inilalabas na vlogs.
Content Versatility
Taong 2017 nang simulan ng 30-anyos na vlogger na si Agassi Ching ang pagbabahagi ng kanyang mga vlogs online.
Dalawang taon matapos simulan ang pagbuo ng kanyang pagkakakilanlan sa mundo ng social media, milyun-milyong mga tagapanood na ang nahakot nito.
Kilala si Aga sa kanyang mga nakakatuwang content gaya ng mga pranks, mukbang, travel vlogs, at iba pa.
Sa pinakabagong episode ng “Talk Show ni Don Whamos,” isa sa mga napagusapan ng mga ito ang kapansing-pansing bagong atake ni Aga sa kanyang mga vlogs.
“Gusto kong maging versatile sa mga ginagawa ko. Gusto ko ‘yung marami akong ginagawa.”
Nais pa aniya niyang mas makilala ng mga manonood bukod sa pagiging parte ng isang love team.
“Dati kasi [nakilala] ako as love team, ever since n’ung naghiwalay na kami, syempre kailangan kong gumawa ng something for myself para maalala pa rin ng tao,” aniya.
Ibinahagi rin ni Aga na noon pa man ay nagsisimula na itong mag-explore ng iba’t-ibang uri ng content gaya ng food vlogging at horror contents.
“Ngayong ako na lang [nagva-vlog], nile-level up ko s’ya. Bumili ako ng mga equipments. Literal na naggo-ghost hunt na talaga [kami], and nagugustuhan ng mga tao,” kwento nito.
Single Era
Ilan buwan matapos makumpirma ang pagkahiwalay sa ex-girlfriend nitong si Jai Asuncion, isa rin sa nais malaman ng taumbayan kung mayroon na nga bang bagong nagpapatibok sa puso ni Aga.
Nang tanungin ito ni Whamos, walang pagdadalawang isip itong sinagot ni Aga ng buong katotohanan.
“Actually meron kaso pinipigil ko eh,” pag-amin nito.
“Si Euleen! Si Pambansang Yobab! Nagcollab kami, nag jowa for a day kami. Sobrang adorable n’ya nakakatuwa,” biro nito.
Taas noo rin nitong ibinahagi ang estado ng buhay matapos ang break-up nila ng dating nobyang si Jai.
“May void ka na hinahanap-hanap mo ‘yung may kausap on a daily basis. Pero hindi mo dapat isipin na ganun eh kasi sa edad natin ngayon, ang focus is para kumita ng pera,” kwento nito.
Dagdag pa ni Aga: “Work first, work ang priority ko ngayon. So everytime na malulungkot ako, ibubuhos ko sa trabaho.”
Watch the full vlog below: