Mrs. Viy Cortez-Velasquez’s Simple Recipes to Satisfy Your Rainy Day Cravings

Ang pag-iisip ng ulam sa araw-araw ay isa sa mga pangunahing suliranin ng mga ina ng tahanan. Kaya naman, kung naghahanap ka ng ulam ideas na perfect ngayong tag-ulan, tiyak solve ang cravings mo sa mga ulam recipes na hatid mismo ni Viviys!

Hindi lingid sa kaalaman ng netizes na mahilig din magluto ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez. Kamakailan lang ay masayang ibinabahagi ng 28-anyos na ina ang mga inihahandang pagkain para sa pamilya.  

Miswa sa Sardinas

“Namiss ko yung mga simpleng pagkain… so magluluto ako ngayon ng Miswa sa Sardinas.”

Unang naggisa si Viviys ng sibuyas, bawang, at kamatis, at saka hinalo ang sardinas. Dinagdagan din niya ito ng kaunting suka, calamansi, at paminta pampalasa. Matapos pakuluan ay nilagay na nito ang miswa at kaunting tubig, saka inihain kasama ang kanin. 

Ginisang Ampalaya

Kung nais mo naman maghain ng masustansyang putahe para sa pamilya, narito ang Ginisang Ampala ala Viy Cortez-Velasquez na tiyak na kayang kaya mo ring lutuin. 

Unang hinugasan ni Viviys ang mga ginayat na ampalaya at binabad sa tubig na may asin. Ginagawa aniya ito upang matanggal ang pait na lasa ng ampalaya. 

Pagkatapos ay nagprito ito ng baboy, saka isinabay ang paggisa ng sibuyas, bawang, at kamatis. Sunod na inihalo ni Viy ang ampalaya at matapos ang ilang minuto ay dinagdag ang itlog.

Pakbet Ilocano

Ibinahagi naman ni Viy ang kanyang version ng Pakbet Ilocano na umani ng samu’t saring komento mula sa netizens. 

“Ang Pakbet Ilocano po ang iniba niya is hindi po kami naggigisa, dire-diretso na lahat ng sahog tapos papakuluan. Tapos imbes na alamang ang gamit, bagoong isda,” paliwanag ni Viy. 

“Hindi po ako chef, hindi po ako professional. Ito pong luto na ito ay natutunan ko lang sa tito ko, sa inang [lola] ko, dahil kami po ay taga Sta. Ana, Cagayan. Ito po yung paborito kong klase ng luto ng pakbet,” dadag pa nito.

Pinoy Spaghetti

Pinoy-style Spaghetti naman ang hatid ni Viviys sa kanyang mga kasamahan sa Congpound. Niluto ito ni Viy ayon sa kanyang nakasanayan na paggisa ng giniling na baboy at hotdog, saka hinaluan ng spaghetti sauce, all purpose cream, ketchup, at cheese. 

Chicken Sotanghon Soup

Unang naggisa si Viy Cortez-Velasquez ng bawang at sibuyas, saka hinalo ang pinakuluang chicken breast at tubig na ginamit sa pampakulo nito. 

Nagdagdag din ito ng atsuete o annato pampalasa, saka hinalo ang mga gulay at sotanghon.

@viy.cortez

The mans heart is … wag na! Lutuan nalang ng Chicken Sotanghon soup ala viviys🎶 with Maggi magic chicken cubes🥰 #MAGGIMagicChickenCube ChickenCubeWithMagic@MAGGI Philippines

♬ original sound – Viy Cortez – Viy Cortez-Velasquez

Likes:
0 0
Views:
71
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *