LOOK: Yiv Cortez in Her Ultimate Gen Z Tita Era

Bukod sa pagiging estudyante at business owner ng bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez, isa rin ang pagiging “Gen Z Tita” sa mga pinagkakaabalahan nito.

Tunghayan ang ilang mga tagpo sa Ultimate Gen Z Tita era ni Yiv Cortez.

Babysitter for a Day

Kamakailan lang ay isinama ni Yiv Cortez sa kanyang bagong vlog ang kanyang mga manonood sa isang araw na puno bonding kasama ang mga pamangkin nito. 

Bukod kay Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, isinama rin ni Tita Yiv ang anak ng kanyang ate Ivy Cortez-Ragos na sina Sam at Liyah sa pamamasyal.

Maliban sa paglalaro, isinama ni Yiv ang kanyang mga pamangkin sa isang mall para mamasyal, mamili, at kumain anuman ang kanilang naisin.

Marami rin ang natuwa sa kakaibang bonding nina Tita Yiv, Kidlat, Sammy, at Liyah kung kaya’t ipinahatid nito ang kanilang pagbati.

@dmsalangad: “Ang cute! Parang mga pinsan mo lang.”

@ashleymilanes6842: “Great bonding! Sana isama mo din [soon] sina Viela, Isla, at Mavi hehehe”

Kidlat’s Playmate & Food Buddy

Isa rin sa mga inaabangan ng netizens ay ang kanyang daily dose of Kidlat sa tuwing sila ay magkakasama. 

Dahil hilig ni Kidlat ang paglalaro kasama ang kanyang mga pinsan, game na game ring nakikiisa si Tita Yiv sa trip ng mga chikiting.

Sa isang Facebook video, ipinasilip ni Yiv ang kanyang playtime bonding kasama sina Kidlat at Viela.

Bukod sa paglaro, walang pagdadalawang isip rin itong tumugtog ng gitara upang sabayan ang pagsayaw ng mga bata.

Isa rin sa mga bonding ni Tita Yiv at Kidlat ay ang pagfo-foodtrip na kanya ring ibinahagi sa isang Facebook post.

“After n’ya ibigay sa akin [yung tinapay], ‘di s’ya nakatiis, kumurot! Ang cute mo, Kidlat!” ani Yiv.

Kulitan with Sam and Liyah

Paborito ring libangan ni Yiv ang pakikipagkulitan sa kanyang mga babaeng pamangkin na sina Sam at Liyah.

Marami ang natuwa nang masilayan ang kulitan bonding nina Tita Yiv kasama sina Sam at Liyay sa isang Facebook post.

Maliban sa kanyang mga Ate Ivy at Ate Viy, isa ang kanyang mga pamangking babae sa nakakasama at nakakabonding ni Yiv sa kanilang bahay.

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

10 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.