INDONESIA AdVIENture: Things to Explore On Your Bali Trip According to Vien Iligan-Velasquez

Bali, Indonesia ba ang susunod na destinasyon ng iyong bakasyon? Kung wala ka pang itinerary, sagot na ni Mommy Vien Iligan-Velasquez ‘yan!

Silipin ang ilan sa mga rekomendasyon ng Team Payaman mom para sa mga nais na magbakasyon sa Bali, Indonesia!

Just Landed in Bali

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Vien lligan-Velasquez ang ilan sa mga tagpo sa nagdaang Bali, Indonesia trip kasama ang pamilya.

Una pa lang ay namangha na si Vien sa mura ng mga bilihin, paritikular na ng mga pagkain sa Indonesia, dahilan upang makarami ito ng mga lugar na papasyalan.

“Nagulat ako. Sabi ko, ito ba? Ito ba ‘yung bill natin? Bakit P2,400 lang?” kwento nito.

Matapos mag-agahan, agad na sinimulan ng Team Payaman ang kanilang pamamasyal sa Bali, na s’yang ikinagalak ng kanilang mga chikiting. 

Batik Making

Bilang pagkilala sa tradisyon at kultura ng Indonesia, sinilip nina Vien ang paraan kung paano  gumagawa ang mga ito ng batik o malong kung tatawagin sa Pilipinas.

Namangha ito sa galing ng mga Indonesian sa pagguhit ng mga disenyo ng bawat batik gaya ng mga dragon at bulaklak.

Nag-ikot rin si Vien sa kanilang munting tindahan upang magsukat at bumili ng mga disenyo nito sa damit, kumot, at marami pang iba.

Food Trip

Matapos ang kanilang maagang shopping, hindi pwedeng mawala ang food trip, lalo na’t karamihan sa Team Payaman ay first time sa Bali. Para sa kanilang tanghalian, nagtungo ang mga ito sa Bebek Joni Restaurant.

Nagsalu-salo ang Team Payaman sa masarap na tanghalian bilang parte na rin ng munting selebrasyon ng kaarawan ng panganay nila Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na si Isla Patriel Gaspar, a.k.a Baby Isla.

Isa rin sa hindi pinalampas bisitahin ng Team Payaman ay ang Ganesha Cafe kung saan sila nagsaya, kantahan, at kumain ng hapunan. 

Zoo Trip

Syempre, hindi rin pinalampas ng Team Payaman ang pagkakataong makapamasyal sa Bali Safari, na s’yang ikinatuwa ng mga bata.

“First time nilang [TP Kids] makakakita ng giraffe, hippo, rhino, ‘yan! First time ni Mavi tsaka si Viela ‘din,” ani Mommy Vien.

Bukod sa pagsilip sa mga hayop, nakiisa rin ang mga ito sa ilang mga interactive shows na hatid ng nasabing zoo park.

Mt. Batur

Sunod na binisita ng Pamilya Velasquez ang kilalang Mount Batur, isa sa mga active volcanoes ng bansa, na masisilip sa Kintamani Restaurant.

Labis ang pagkamangha sa ganda ng bulkan hindi lamang ang mga bata, kung hindi pati na rin ang mga matatanda na game na game nagpapicture sa nasabing lugar.

Tumikim rin ang Team Payaman ng ilan sa mga ipinagmamalaking timpla ng kape sa nasabing restaurant.

“Ang tapang nito, pero ang sarap!” komento ni Vien.

Swimming

Isa rin sa mga pwedeng gawin sa Bali ay ang paglangoy dahil kilala ito sa magagandang mga karagatan, isa na rito ang Seminyak Beach.

Walang sawang nagtampisaw ang mga bata, at game na game na ring nakipaglaro ang kanilang mga magulang.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
312
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *