Kevin and Abigail Hermosada Applaud Dionela’s ‘Sining’ Music Video

Isa ka ba sa mga naantig sa kantang Langit, Bahaghari, Sugal, 153, at Musika? Kung oo, isa ang bagong obra ni Tim Dionela na “Sining” na tiyak na mamangha sa’yo.

Alamin ang naging reaksyon ng Team Payaman members na sina Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada sa obrang likha ng kaibigan nilang si Tim Dionela.

‘Sining’ MV

Hulyo 17 nang ibahagi sa mundo ng rising OPM singer na si Tim Dionela o mas kilala bilang Dionela ang music video ng kanyang bagong kantang “Sining,” na s’ya mismo ang naging direktor.

Bumida sa nasabing music video ang miyembro ng all-girl Ppop group BINI na si Stacey Sevilleja, Much Love, at beteranong aktor na si Jonee Gamboa.

“First time directing a music video with these wonderful humans: my bias stakukuku and my childhood hero, Joonee Gamboa. May this MV touch your hearts,” ani Tim sa kanyang Facebook post.

Umikot ang kwento ng nasabing music video sa istorya ng dalawang nagmamahalan na dinala ang kanilang pagmamahalan sa kabilang buhay.

“Dionela made death not a scary thing anymore because it’s never about an end of a life a person once had anymore, yet, a reunion with the people you loved the most who crossed to the other side before you,” komento ng isang netizen.

Watch the music video below:

Kev & Abby’s Reactions

Hindi naman napigilan ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada na mamangha sa obra ng kaibigan nitong si Tim Dionela. Sa isang TikTok video, ibinahagi rin ng dalawa ang kanilang reaksyon sa nasabing music video.

“Congrats, Tim! Dagdag achievement na naman sa kanya ‘to! Grabe ka na, bebe boy!” pagbati ng mag-asawa.

Hindi pa man tapos ang kanilang pinapanood ay inulan na nina Kevin at Abby ng pagbati ang kaibigan sa ganda ng konsepto ng kanyang music video.

Hindi rin nila napigilang magulat sa kakaibang atake ni Tim sa plot twist ng kanyang music video, pati na rin sa paraan ng pagkakagawa nito.

“Grabe naman ‘yon! Huy, Tim, ang ganda n’on! Ang ganda ng shot na ‘yon!” ani Kevin.

Dagdag pa nito:  “Fast-paced s’ya. Marami ring elements na naging swak din sa ano [music video]”

“Knowing Tim napaka-imaginative n’ya eh! Napaka-creative talaga! ‘Yung mga nashe-share n’ya sa atin before, talagang nagagawa n’ya eh…” komento naman ni Abi.

Kath Regio

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.