Kamakailan lang ay ibinahagi ng Kapamilya actress at singer na si Angeline Quinto ang ilan sa mga nararanasan nito sa kanyang ikalawang pagbubuntis.
Upang mas lalong makapagbigay impormasyon patungkol sa kadalasang nararanasan ng mga buntis, personal itong tinalakay ng resident Team Payaman doctor na si Doc Alvin Francisco.
Pregnancy Dilemma
Ibinahagi ng aktres na si Angeline Quinto sa kanyang bagong vlog ang ilan sa mga tagpo sa kanyang pagbubuntis, pati na rin ang mga hamon na nararanasan nito ngayon.
Ayon sa soon-to-be-mom of two, nakararanas siya ng Gestational Diabetes o kawalan ng kontrol sa blood sugar ng isang nagdadalang-tao.
Nang tanungin ni Angeline ang kanyang doctor sa maaaring naging sanhi nito, napagtanto ng aktres na ang kanyang kawalan ng kontrol sa pagkain ang pinagmulan nito.
“Amindao naman ako na medyo wala akong kontrol ngayon [sa pagkain],” ani Angeline.
Matapos mapagtanto na malaki ang naging epekto ng kanyang lifestyle sa kanyang pagbubuntis, agad na inaksyunan ni Angeline ang kanyang karamdaman.
“Kaya naman natin ‘yan basta disiplina lang at syempre para kay baby talaga,” dagdag nito.
Doc Alvin Says…
Dahil talamak ang pagkakaroon ng Gestational Diabetes sa mga buntis, hindi nagdalawang isip si Doc Alvin Francisco na ituro sa kanyang mga manonood ang katotohanan sa likod ng karamdamang ito sa kanyang vlog.
“‘Pag gestational diabetes pwede pong pregnant na patient, eh wala siyang diabetes nung hindi pa s’ya buntis. Pwedeng after mong mag-buntis, meron pa rin,” paliwanag nito.
Nagbigay babala rin ang doctor-vlogger sa mga hamong hatid ng pagkakaroon ng gestational diabetes sa mga kababaihan.
“Very challenging ‘to sa mga mommies natin kasi nga may binubuhay silang mga bata sa loob ng kanilang katawan,” aniya.
Payo ni Doc Alvin, hindi dapat mawala ang pagkakaroon ng balanseng diet, na s’yang makakatulong upang mapunan ang kinakailangang nutrisyon ng katawan.
Watch the full vlog below: