Pat Velasquez-Gaspar Gets Emotional Celebrating Baby Isla’s 1st Birthday

Emosyonal na sinalubong ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang 1st birthday ng unico hijo nila ni Boss Keng na si Baby Isla. 

July 8, 2024 nang sinalubong ng YouTube powercouple ang kaarawan ni Isla Patriel sa Bali, Indonesia kasama sina Venice Velasquez at Eve Marie Castro, habang nasa video call naman sina Cong TV at Viy Cortez na noon ay nasa South Korea para sa kanilang ikalawang honeymoon. 

Isla Turns One

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang ginawa nilang pagsalubong sa 1st birthday ni Baby Isla. Kahit tulog ang chikiting ay naghanda pa rin ng cake at birthday banner ang mag-asawa at kinantahan ito ng Happy Birthday song. 

Habang nasa gitna nang pagkanta ay hindi napigilan ni ina ni Isla na maging emosyonal ngayong isang taong gulang na ang kaniyang anak. 

“Ba’t umiiyak ka? Birthday ng anak mo…” tanong ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.

Sagot naman ni Mommy Pat: “Siyempre, one na siya!”  

Ibinahagi rin nito ang kaniyang birthday wish para sa anak.

“Good health lang, saka sana maging kaugali niya yung tatay niya kasi mabait yung tatay niya.”

Maya-maya pa ay nagising na si Baby Isla at masaya ulit nila itong binati at kinantahan para sa kaniyang kaarawan. 

@patvelasquezgaspar

Emotional parents 🥹 Happy 1st birthday Isla my love! @Boss Keng

♬ original sound – Pat Velasquez Gaspar – Pat Velasquez Gaspar

Online Titos and Titas

Binaha naman ng pagbati si Baby Isla ng kaniyang mga online titos and tita na tila naka-relate din sa pagiging emosyonal ni Mommy Pat. 

Geneva Ruby: “Only moms will ever understand kung bakit nakaka iyak ang first birthday at ang mga susunod pang birthdays ng anak.”

Rizza Simpliciano: “I’m crying! Ang bilis, parang kailan lang yung sinurprise ni pat si keng, gender reveal hanggang sa mag labor. luh ngayon 1 yr old kana baby Isla🥰 nawa ay lumaki kang may mabuting puso. Godbless!” 

Likes:
0 0
Views:
204
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *