“Welcome to Dudut’s Kitchen’s first-ever dayo series.”
Iyan ang bungad ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa kaniyang bagong vlog kung saan dumayo ito sa El Poco Cantina sa Malate, Manila, upang maging isang Mexican restaurant chef for a day.
Pero bukod sa pagluluto, hindi rin pinalampas ng Team Payaman vlogger na maranasan ang iba’t-ibang klase ng trabaho sa nasabing restaurant.
Birria Making
Katuwang ni Dudut Lang sa nasabing experience ay ang mismong may ari ng El Poco Cantina na si Sir Tots Ramirez. Ayon dito, ang El Poco Cantina ay isang Mexican restuarant na kilala sa kanilang best-selling Birria Tacos, Burritos, at Quesadillas.
Unang dinala ni Sir Tots si Dudut sa prep kitchen, kung saan inatasan siyang magluto ng 15 kilos na karne ng baka na kadalasang nilalahok sa kanilang menu.
Habang nagluluto, inusisa naman ni Dudut ang karanasan ni Sir Tots na dati palang professional DOTA player.
“Bunga ng mga tropa sa DOTA yung business ideology. Madaming negosyante sa gaming community na nag ano [sabi] sa’kin na ‘Pre, hindi ka pwede dota dota lang. Hanapin mo yung passion mo,’” kwento ni Sir Tots.
Habang nagpapalambot ng karne ng baka, sinubukan rin ni Dudut na mag food assemble kung saan siya mismo ang naghanda ng mga pagkaing ihahain sa mga customer.
Nag serve din ito ng orders sa mga customer, naging promodiser at nanghikayat ng mga tao na pumasok at kumain sa El Poco Cantina.
Dudut Lang Reward
Dahil sa kaniyang sipag, binigyan ng espesyal na reward ni Sir Tots si Dudut Lang.
“For doing a great job, you deserve a reward. Off menu [from me] gagawan kita ng klase ng dish,” ani Sir Tots.
“Ito yung pinaka unang recipe na nagawa namin ng negosyo na. Ito yung nagstart ng buong El Poco Cantina. Before maging Birria siya, ito yung number one talaga,” dagdag pa nito.
Watch the full vlog below: