Team Payaman’s Clouie Dims Unlocks New Hobbies for Summer

Nagrekomenda ng dalawang bagong libangan ang Team Payaman content creator na si Clouie Dims sa kanyang bagong YouTube vlog. Ito ay ang pagpipinta at paglalaro ng basketball. 

Painter Era

Parte ng eksplorasyon sa bagong mga aktibidad, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger ang kanyang “Painter Era.”

Nirekomenda ni Clouie ang produktong Paint by Numbers para sa mga katulad niyang beginner painters at para sa mga estudyanteng tila walang mapagkaabalahan ngayong summer vacation.

Mabibili sa mga online shopping platforms ang digital oil paint na nakalagay sa canvas sa halagang Php 77 hanggang Php 159, depende sa laki at disenyo. May kasama na itong dalawang brush, numbered acrylic paints, at reference/guide photo.

Ani Clouie, ang bagong libangan na ito ay beginner-friendly at “very therapeutic.”

Sa kwentuhan naman kasama si Clarence Rheine – ang video editor ng kapwa Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ibinahagi nito kung paano nakakatulong sa kaniyang mental health ang pagpipinta. 

Doon din lalawak ang imaginations mo,” dagdag ni Clarence.

Queen of the Court

Ang sumunod naman na libangang ibinahagi ni Clouie ay ang paglalaro ng basketball kasama sina Anthony Jay Andrada, a.k.a Yow, at Steve Wijayawickrama. 

It’s time to learn something new, and this is basketball,” ani Clouie.

Sakto namang may grupo ng kabataan na naglalaro sa basketball court na hinikayat niyang turuan siya ng tamang porma sa pagshoot ng free throw. 

Samantala, ang kaisa-isang rule na hamon naman ni Yow kay Clouie para sa buong laro ay: kailangan ma-shoot ang bola.

Sa huli, tagumpay na nakatira ng ilang puntos si Clouie at nanalo ang kanyang grupo na may 5-1 puntos. 

Isa naman sa kanyang mahalagang realisasyon ay: “Grabe pala mag basketball, hindi pala biro ito.”

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
448
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *