Viy Cortez-Velasquez Takes on ‘Grocery Employee For a Day’ Challenge

\Nagpakitang gilas ang Team Payaman content creator na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube vlog, kung saan sinubukan niyang maging isang grocery employee for a day sa AllDay Supermarket.

Nitong Hunyo, matatandaang ipinakilala ang bagong kasal na sina Viy at Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, bilang pinakabagong PAWER Couple endorser ng nasabing grocery store.

Kahera

Bilang parte ng AllDay family, sinimulan ni Viy ang kaniyang vlog bilang isang babae na pinangarap lamang magtrabaho sa grocery store nung siya ay bata pa. 

Dito, inilathala niya ang kanyang mga pinagdaanan sa unang araw bilang isang “grocery employee for a day” sa AllDay Supermarket.

Bilang empleyado ng grocery store, makikita kung paano niya nilibot ang mga lugar na hindi napupuntahan bilang customer, makipagtsismisan sa mga katrabaho, ayusin ang mga bagay na hindi naman magulo, maglaro ng ganda-gandahan, tumulong mag-alok sa free taste, at ang maging bagger at kahera. 

Cortez-Velasquez & Villar Tandem

Bilang isang kahera, napagtanto ni Viy na kailangan niya ng ka-partner na bagger, kaya naman humingi na siya ng tulong sa mismong Vice Chairman ng AllDay grocery store na si Camille Villar. 

Sa saglit na kwentuhan, napagtanto ng dalawa na pareho silang namulat nang maaga sa mundo ng negosyo at pagkakahera; nagtuloy-tuloy rin naman ang kanilang usapan patungkol sa pagiging estudyante, ina, negosyante at marami pang iba. 

Upang lubos naman na makapagpasaya sa mga mamimili, binigyan din nila ng discount ang mga customer na namimili.

Matapos magpasaya ng mga customer ay naisipan nina Viy Cortez at Camille Villar na magpasaya ng kapwa nilang empleyado ng AllDay Supermarket. 

Nagsagawa sila ng energy check sa pamamagitan ng sayawan at pumili ng dalawang pinakamagilas upang palaruin sa dalawang minutong hakot challenge. 

Dito, libre silang kumuha ng kahit anong nagugustuhan sa loob ng grocery store habang nakasakay sa shopping cart na tinutulak nina Viy at Camille. 

Sa huli, sinalaysay ni Viy ang kasiyahan sa kanyang karanasan bilang empleyado ng AllDay Supermarket sa loob ng isang araw. 

Sobrang solid experience at saya ko sa challenge na ‘to bilang grocery employee for a day. Iba’t ibang positive emotions ang naramdaman ko dito at sobrang tuwa ko na kahit papaano ay nakapagbigay at nakapagpasaya kami ni Mareng Camille sa mga customers at employees ng AllDay Supermarket,” ani Viy.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

This website uses cookies.