Meet Nelson Mendoza: Cong’s Anbelibabol Basketball’s Lowkey Star Player

Isa ang Team Payaman member na si Nelson Mendoza Jr. o mas kilala bilang “Sonny J” ang hinangaan sa kanyang basketball skills sa nagdaang Star Magic All Star Games 2024.

Matapos mapabilang sa Mythical 5, kaliwa’t-kanan na ang pagnanais ng netizens na makilala ang “lowkey star player” ng Cong’s Anbelibabol Basketball team.

Who is Nelson Mendoza?

Lingid sa kaalaman ng ibang Team Payaman fans na matagal nang miyembro ng grupo si Nelson Mendoza Jr., a.k.a Sonny J.

Si Nelson ay matagal nang kaibigan ng Team Payaman member na si Boss Keng at nagkakasama na ang dalawang ito sa iba’t-ibang liga ng basketball. 

Una namang nakasama ng grupo si Nelson sa ilang mga ligang nasalihan ng Cong’s Anbelibabol Basketball Team noong nakaraang taon.

Bukod sa pagbabasketball, kasama rin ng Team Payaman si Nelson sa pagmomotorsiklo, partikular na ang kanilang byahe pa-Baler, Aurora kasama ang Y Kulba.

Madalas ding nakakasama ni Boss Keng si Nelson sa kanyang mga vlogs dahil kalaunan ay naging parte na ito ng Team Boss Madam.

Sa isang Facebook post, ikinwento ni Nelson na siyam na taong gulang pa siya nang unang sumabak sa pagbabasketball nang ipasok ito ng kanyang ina sa isang basketball clinic.

Naging manlalaro rin si Nelson ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) noong s’yay nasa high school at kolehiyo.

“Dahil sa basketball mas lumawak ang mundo ko, mas marami akong nakilalang mga manlalaro mga nakilalang kaibigan,” ani Nelson.

Mythical 5

Naging matunog ang pangalan ni Nelson nang magpakitang gilas ito sa inabangang Star Magic All Star Games 2024 ng Cong’s Anbelibabol Basketball kontra Star Magic Shooting Stars Blue.

Nang maipasok sa court, hindi na nagdalawang isip si Nelson na magpaulan ng tres, dahilan upang lumamang ang kanilang grupo sa first half ng nasabing laro.

Hindi man mapalad na maipanalo ang kanilang laro, itinanghal naman si Sonny J na isa sa mga Mythical 5 kasama sina Chris Lagudas, Donny Pangilinan, at Ronnie Alonte.

Hinangaan ng madla ang galing ni Nelson, dahilan upang umani ito ng papuri online.

Katherine Niña: “Lakas ni Nelson #TeamPayaman”

Jamin Lendell Cariño-Ruiz: “Buhat na buhat ni Nelson Team Payaman ah [laughs]”

Sa isang Facebook post, ipinahatid ni Nelson ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong makapaglaro kontra sa grupo ng Star Magic Shooting Stars Blue.

“Thank you sa napaka saya at di malilimutan experience! Thank you coach Cong TV Boss Keng, salamat sa lahat ng sumuporta sa team payaman. Mythical 5 pa!” 

Likes:
0 0
Views:
1946
Article Categories:
Uncategorized

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *