Alex Gonzaga Impersonates ‘Ms. Rachel’ in Attempt to Impress Niece Polly

Dahil nais na makuha ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang loob ng pamangkin nitong si Paulina Celestine Soriano, a.k.a. Polly, isang pangmalakasang regalo ang handog nito para sa kanyang pamangkin.

Alamin ang naging reaksyon ni Baby Polly sa nakakatuwang paggaya ng kanyang Tata sa paborito vlogger ng mga chikiting na si Ms. Rachel.

Baby Learning with Ms. Tata

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Alex Gonzaga ang pagbuo nito ng surpresa para sa bunso ng kanyang ate Toni Gonzaga na si Baby Polly.

Isang interaktibo at nakakatuwang panggagaya sa toddler learning vlogger na si Ms. Rachel ang inihanda ni “Ms. Tata” para sa kanyang pamangkin. 

Ibinahagi ni Alex na kung ihahambing sa panganay ng kanyang ate na si Seve, mailap ang pamangkin nitong si Baby Polly.

“Nagiging mailap sa akin ang aking pangalawang pamangkin. Si Seve, close ‘yan sa akin,” ani Alex.

Dagdag pa nito: “Pero itong pangalawa kong pamangkin, parang mayroong nangyayaring phenomenon na hindi s’ya nagiging malapit sa akin.” 

Ayon kay Alex, isa sa mga kinahihiligan ng kanyang pamangkin ay ang panonood kay Ms Rachel. Dahil dito, naisipan niyang  bumuo ng sariling bersyon ng toddler videos ala Ms. Rachel.

Sa tulong ng kanyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy, naisakatuparan angibinabalak ni Alex upang makuha ang loob ni Baby Polly.

Puno ng kakulitan at katatawanan ang hatid ng unang episode ng Ms. Tata na eksklusibo lamang para kay Polly.

Matapos ang ilang minutong panonood, hindi na napigilan ni Baby Polly na maiyak at hanapin ang tunay na Ms. Rachel.

Bagamat hindi natuwa sa kanyang inihandang video, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Alex na makuha ang loob ni Polly.

A for Effort

Labis namang ikinatuwa ng netizens sa pagsisikap ni Tita Alex sa pagpapasaya ng kanyang mga pamangkin.

Ipinadala ng mga manonood ang kanilang pagbati sa effort na ipinakita ni Alex para kay Baby Polly at Seve.

@jackssantillan7007: “A for effort din talaga. Hindi man natuwa si Polly pero love na love ka ni Polly. Super charming and pretty ni Polly and Seve is so handsome!”

@mavp3820: “Sabi siguro ni Polly ‘bat ganun ibang Rachel ata napanood ko’ haha! Pero salute kay Ms Alex grabe yung effort n’ya sa pamangkin n’ya! Iba talaga pag si Alex G, nakaka good vibes”

@janettecrezylpadilla1174: “Grabe effort ni Ms Alex… Pag napanood ni Polly to paglaki nya, sure ako mattouch sya sa effort mo”

@Debbie-yf2oc: “Super blessed kapag may mapagmahal kang Tita. Sana soon ikaw naman maging Mommy Ms Alex. Godbless po!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.