Bukod sa walang sawang pagsuporta, isa sa katangian ng Team Payaman fans ay ang angking talento ng mga ito lalo na pagdating sa sining.
Kamakailan lang, isang maswerteng taga-suporta ang nabigyan ng pagkakataong maihandog ng personal ang kanyang obra para sa nag-iisang Cong TV.
Law of Attraction
Isang taga-suporta ang nagbahagi ng kanyang pinagdaanang bago tuluyang maiabot sa kanyang iniidolong vlogger na si Cong TV ang kanyang obra.
Sa isang Facebook video, ipinasilip ni Joel Calalo ang mga naging kaganapan sa likod ng paggawa ng painting, na ayon kay Cong TV ay swak na swak sa kanilang bagong bahay.
Kwento ni Joel, taong 2019 nang una nitong ipakita ang kanyang mukha sa kanyang mga bidyo habang ipinapasilip nito ang kanyang mga obra.
Isa aniya ang beteranong vlogger na si Cong TV sa nagbigay inspirasyon sa kanya upang gumawa ng obrang kanyang ireregalo para rito.
“Naghanap ako ng mga vlogger na interesting ‘yung istilo nila sa pagva-vlog, at isa na d’on si Cong TV,” ani Joel.
Ngunit kaakibat nito ay ang hirap sa paghahanap ng oportunidad na personal na maiabot ang painting sa mag-nobyong Cong at Viy.
Hindi pa rin ito nawalan ng pag-asa, bagkus ay naniwala ito “law of attraction” na ibinida ni Cong TV sa ilan sa kanyang mga vlogs.
The Much-Awaited Meet Up
Matapos ang ilang taong paghihintay, natupad na ang araw na inaasam ni Joel bilang isang taga-suporta ni Cong at Team Payaman.
Sa tulong ng ama ni Viy Cortez na si Rolando Cortez, personal na naiabot ni Joel ang kanyang likhang obra sa iniidolo nitong si Cong.
“Sobrang na-touch ako sa pagkakataong iyon kasi ang nasa isip ko, mahihirapan akong kausapin s’ya [Cong TV] kasi maraming tao sa paligid,” salaysay nito.
Nang makadaumpalad na ni Joel ang kanyang idolo, abot tenga ang kanyang ngiti matapos matanggap ni Cong TV ang kanyang munting regalo.
“Ay grabe, Sir! May regalo kayo. Grabe naman ‘to, Sir! Ang ganda nito!” reaksyon ni Cong.
Nagpasalamat naman si Joel sa ama ni Viy Cortez na si Mr. Rolando Cortez, na siyang naging susi upang personal niyang mabigay kay Cong ang nasabing obra.
Watch the full video below: