#MaiklingKwento: Ser Geybin and Elma Asagra Star in a Tear-Jerking Romantic Short Film

Magkahalong kilig at lungkot ang hatid ngayon ng internet sensations na sina Ser Geybin Capinpin at nobya nitong si Elma Asagra sa inihandong nilang short film.

Alamin ang mga nakakakilig at nakakaantig ng pusong mga tagpo sa kauna-unahang short film na pinagbibidahan ng dalawa, na kanila pang kinuhanan sa Japan. 

Maikling Kwento

Mayo a-dos nang ilabas sa madla ng Capinpin Family Head na si Ser Geybin ang kauna-unahan short film na pinamagatang Maikling Kwento, na pinagbidahan nila ng nobyang si Elma Asagra.

Ang nasabing short film  kanila pang kinuhanan sa mga magagandang lugar sa Japan, suot ang mga Japanese-themed uniforms.

Ang kwento ay umiikot sa karakter nina Geybin at Elma na pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon, na kalaunan ay naging daan upang makabuo ng koneksyon ang dalawa.

Ipinapakita sa nasabing short film ang matamis na pinagmulan ng relasyon ng mga karakter at ang paniniwala ng dalawa sa konsepto ng reincarnation.

“Love, naniniwala ka ba sa afterlife?” tanong ni Emma.

Sagot naman ni Geybin: “Feeling ko kasi, kapag nawala ka na dito sa mundo, tapos na. Kaya nga sinusulit ko bawat oras na kasama kita.” 

Ani Emma, naniniwala siya sa reincarnation at may pagkakataong makakabalik ito sa mundo gamit ang ibang katauhan. Ibinahagi din nito na Heaven ang nais nitong maging pangalan kung sakaling mabubuhay ito sa ikalawang pagkakataon. 

Isa sa mga nagpaiyak sa mga manonood ay ang tagpong naaksidente ang bidang babae na nauwi sa kamatayan.

Nanatili naman itong totoo sa kanyang pangako na sya’y magbabalik sa katauhan ng ibang nilalang, gamit ang pangalang Heaven.

Touching Reactions

Hindi naman napigilan ng mga manonood na maging emosyonal sa handog na maikling palabas nina Ser Geybin at Elma.

@orlandbong: “Napakagaling ng pagka-gawa [from] transitioning, editing, effects and ng sounds. Napaka galing ng gumanap nakakaiyak lalo na yung kay shekinah/sky. Pwede nang gumawa ng sariling pelikula casting buong Capinpin family at mga tropa mo Ser Geybin.”

@OliviaYlena: “I love the concept and the way na na-execute nila yung characters. The acting was on point, too. Simple at natural lang. Job well done, Ser Geybin, Mam Elma, and Sky!!! Sana, more short films like this po in the future.”

@Katriburhayn2587: “Grabe naman ung story. Madami akong natutunan kahit short story lang sia. Ang best of best na natutunan ko, always bond with your loved ones because you don’t know when God will set them free!”

@deannavarette025: “Grabe yung kilig ko sa una. Matatalo niyo na yung DonBelle, kaso biglang sumakit sa dulo yung kwento.  Isang Maikling Kwento pero nakakataba ng puso. Napakahusay! Congratulatons, Ser Geybin, Mam Elma, and Sky!”

Watch the short film here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Here Are the Top 5 Things to Do in Baguio ft. VIYLine MSME Caravan

Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…

9 hours ago

CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…

14 hours ago

Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…

16 hours ago

This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…

16 hours ago

Jai Asuncion’s Top 3 Must-Try Food Stops in Binondo, Manila

Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion…

2 days ago

Zeinab Harake & Ray Parks Wow Supporters With Romantic Prenup Video

They say love comes when you least expect it—at the right time, with the right…

2 days ago

This website uses cookies.