WATCH: Cong TV Trains Geng Geng for Pinoy Big Brother Gen 11

Sa kanyang bagong YouTube vlog, sinubok ng Team Payaman headmaster na si Cong TV ang talento ni Kevin Cancamo, a.k.a. Genggeng, na nagpahiwatig ng pagnanais na pumasok ng Pinoy Big Brother (PBB) House o Bahay ni Kuya.

Nitong buwan lang ay naglabas ng anunsyo ang nasabing reality show na magbubukas na muli sila ng auditions para sa aspiring housemates sa kanilang 11th season. 

Kuya

Kasama ang Team Payaman Wild Dogs, sinubok ni Cong ang kakayanan ni Genggeng kung papasa nga ba siyang housemate ni Kuya.

“Kaya ko kayo inassemble dito, meron kasing nagpapaalam sa’kin,” ani Cong sa TP Wild Dogs.

“Ako naman willing akong payagan siya na pumunta don,” dagdag pa nito.

Paalala lang ni Cong kay Genggeng na kailangan may baon siyang malungkot na istorya o aral na maibabahagi sa mga manonood.

Ilan sa naging hamon nila kay Genggeng ay ang rehistro ng mukha nito sa CCTV at kunyaring pag-iyak kung sakaling manalo.

Kinaumagahan naman habang natutulog si Genggeng ay nilapitan siya ni Cong TV na may hawak na telepono habang tila kausap sa kabilang linya si “Kuya.”

Kahit naalimpungatan ay binigyan siya nito ng kunyaring task na kantahin ang kantang “Buksan mo (Papasukin ako)” ni Willie Revillame.

Watch the full vlog here:

Pinoy Big Vlogger Training Center

Samantala, sa isang ekslusibong vlog ipinakita ang patuloy ang paghahanda ni Cong TV sa aspiring PBB housemate na si Genggeng. 

“Pakiramdam ko talaga, hilaw pa siya as a talent para makapasok sa PBB,” ani Cong TV.

Upang mas gabayan si Genggeng, binuksan ni Cong ang tinaguriang “Pinoy Big Vlogger (PBV) Training Center” sa Congpound. 

Kasama ni Genggeng rito ang in-house housemates na sina Carmina – ang prinsesa ng Mindoro; Lyn, – ang lady sweetheart ng Caloocan; Jonas – ang munting puga ng Muntinlupa; Keboy – ang halata ng Bacoor; at si Pat – ang icing sa ibabaw ng cupcake ni Aga.

Ilan sa naging hamon ni Cong ay ang perpektong reaksyon sa pagpasok ng bahay, pagpapakilala sa iba pang housemates, pagcomfort sa mga natanggal tuwing eviction night, pagharap sa kunwaring pagaaway, at pagpromote ng paparating na proyekto bilang artista.

Alex Buendia

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Shares Essential Bath Time Safety Tips for Active Toddlers

As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…

19 hours ago

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

2 days ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

2 days ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

3 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

3 days ago

This website uses cookies.