Gaya ng isa sa mga top vloggers ng bansa na si Cong TV, kayang kaya mo rin simulan ang iyong karera sa content creation!
Alamin ang ilan sa mga payong hatid nang itinuturing na top one content creator at pinuno ng pinakasikat na grupo ng vloggers sa bansa.
Pick Your Niche
Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Henry de Vera ang ilang tagpo matapos itong bigyan ng payo ng tinaguriang legendary YouTube vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
Unang unang tip ng 32-anyos na batikang vlogger, pumili ng naangkop na “niche” para sa kanyang YouTube channel.
“Siguro Sir pick ka ng niche mo, kung ano gagawin mong ,” ani Cong.
Dagdag pa nito: “Kasi kapag paiba-iba ka ng niche na ginagawa, ‘yung mga subscriber na na-earn mo from this certain type of video, malo-lose sila kasi hindi naman ‘yun ang interest nila.”
Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng permenanteng niche o genre ng content na maaaring ilabas ng isang content creator.
Ipinaliwanag din nito na mayroon pa ring oportunidad na lumago ang isang YouTube channel kahit pa iba’t-iba ang laman nito.
“Although, pwede rin naman ‘yung paiba-iba. Maggo-grow din naman, posible rin naman. Matagal nga lang,” paglilinaw ni Cong.
Connect With Audience
Isa pa sa payo ni Cong TV ay ang pagkakaroon ng relasyon o koneksyon sa mga manonood.
“Importante na nakakausap ka rin nila. [Dapat] alam nilang tao ka, na nag-e-exist ka.”
Gaya ni Cong TV, isa sa mga dahilan kung bakit patuloy itong minamahal ng masa ay dahil sa relasyong nabuo nito sa kanyang mga manonood.
Matapos makarinig ng mga payong makakatulong sa kanyang pagsisimula bilang content creator, ipinahatid ni Henry ang kanyang pasasalamat kay Cong TV.
“Ita-try kong i-grow ‘yung YouTube channel ko. Salamat sa tip! Forty-one na ako eh. Naa-amaze ako sa mga generation n’yo na inabutan kayo ng YouTube!” aniya.
Watch the full video below: