Team Payaman’s Mentos Gains Valuable Experience as a Vendor in Baguio Night Market 

Sa pinakabagong episode ng Menthoughts, ibinahagi ni Michael Magnata, o mas kilala bilang Mentos, ang kanyang makabuluhang karanasan bilang isang vendor sa night market sa Harrison Road sa Baguio City.   

Challenge Accepted 

Sa kanyang unang araw sa Baguio, kasama ni Mentos ang kanyang kaibigan na si Groy, anak ni “Madam Hilda.” Inhamon siya ni Groy na maging isang vendor sa night market sa tindahan ng kanyang ina.  

“I-challenge kita, pre. Magtinda ka… tinda ka ng jacket, pre,” ani Groy.  

Agad namang tinanggap ni Mentos ang hamon at nagpamalas ng kaniyang kakayanan sa pagtitinda.  

“Kaya ko siya sinubukan kasi kung maitatanong niyo naman, dahil nga sa TP Fair eh mostly nagtitinda kami ng mga damit like Cong Clothing, Boss Apparel, Giyang, so parang tiningnan ko rin ‘yung buhay ng talagang nagtitinda sa mga ganitong klaseng environment,” pagbahagi naman ni Mentos. 

Night Market Journey 

Sa kanyang pagtitinda, inimbitahan ni Mentos si Ate Hilda upang ibahagi ang kanyang karanasan bilang vendor sa night market.  

“Bago ‘yung jacket, ano ‘yung una mong tinitinda?” tanong ni Mentos. 

Ibinahagi naman ni Ate Hilda na siya ay dating artist na gumagawa ng iba’t ibang artworks. 

“Actually, artist ako, I do paintings, nagde-design ako, nagca-craft ako,” ani Ate Hilda. 

“Medyo mahirap na tumutumal noon, at siyempre tumatanda rin tayo. ‘Yung mata ko humihina, kamay ko, likod ko, tapos mas maliit ang kita… Napapagod ako, napupuyat ako,” dagdag pa nito. 

Naitanong din ni Mentos ang tungkol sa kita sa pagtitinda. 

“Okay naman, nakakabuhay, nakakabayad ng bills, pero… medyo mahirap kasi every other week na lang [yung pagbebenta]. Kahit sabihin mong malakas yung benta mo every night, tetengga ka nang isang linggo. Isang kahig, isang tuka. ‘Pag hindi ka nagtinda nang isang linggo, wala kang kakainin. So, kailangan mag- save up ka.” 

Mentos Meets Sir Sherwin 

Nakilala rin ni Mentos si Sir Sherwin, na una niyang naisip na simpleng mamimili lamang. Nagulat siya nang ibahagi ni Sherwin ang kanyang mga karanasan sa buhay at bumili ng halos 25 jackets.  

Ibinahagi ni Sherwin na sa kabila ng mga hamon sa buhay, siya ay muling bumangon at nagpapasalamat sa mga pagsubok dahil marami siyang natutunan at maraming nagbago sa kanyang buhay.  

“Ngayon, nagpapasalamat ako… masaya ako na nangyari ‘yun… maraming nagbago sa akin,” wika ni Sherwin. 

Bilang isang content creator, ipinakita ni Mentos ang totoong buhay ng mga ordinaryong tao sa pamamagitan ng kanyang vlog, at kung paano ang simpleng hamon ay maaaring magbigay ng malalim na kahulugan at pag-unawa sa buhay.  

Sa huli, ang kanyang pagbisita sa Baguio night market ay hindi lamang isang araw ng pagtitinda, kundi isang araw ng pagkatuto at pagpapahalaga sa bawat karanasan at kwento ng bawat tao na nakilala niya.  

Isa itong paalala sa atin na maging mapagmatyag, makinig, at magbigay ng suporta sa mga taong nasa paligid natin, sapagkat sa bawat kwento at karanasan ay mayroong aral na maaaring matutunan. 

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
361
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *