Mahigit tatlong linggo na ang nakakaraan nang huling mag-upload ng kanyang kwelang vlog si Omar Punzalan, a.k.a Mayor TV.
Alamin ang rason kung bakit nga ba ito natigil sa paggawa ng vlog, at kung kumusta na nga ba ito matapos ang hindi inaasahang insidente.
YouTube Hiatus
Ipinaliwanag ni Mayor TV sa kanyang bagong vlog ang rason kung bakit ito namahinga sa paggawa ng vlog sa nakaraang tatlong linggo.
“Matagal akong walang upload alam ko ‘yun. Sisikapin ko na maikwento sa inyo kung ano nga ba nangyari,” bungad nito.
Inamin ng vlogger na marami ang nagpapadala ng mensahe sa kanyang mga social media accounts sa nais malaman ang rason ng kanyang pansamantalang pagkawala sa YouTube.
Ani ng Pambansang Mayor, bago pa man ito tumigil sa pagva-vlog ay kaliwa’t kanan ang pag-shoot nito ng content sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
Malungkot nitong ibinahagi na marami itong hinarap na problema sa kalagitnaan ng kanyang pagta-trabaho bilang isang content creator.
“Ang daming delay, mga aberya, mga problema [na] personal, maraming kailangang asikasuhin sa tindahan, basta ang daming nangyari,” kwento nito.
Good Bye, Neo!
Isa ang pagkamatay ng kanyang aso si Neo sa mga dahilan kung bakit panandaliang tumigil sa pagva-vlog si Mayor TV.
“Nakakalungkot kasi 11 years namin naging aso si Neo. Ako ‘yung lagi n’yang kasama sa bahay kaya sobrang attached talaga ako kay Neo,” emosyonal na kwento nito.
Dagdag pa ni Mayor, kamakailan ay labas-masok ang mga ito sa veterinary clinic upang ipatingin ang kanilang aso na nakararanas ng hirap sa pagdumi at pagkakaroon ng kidney failure.
Emosyonal ding ikwinento nito na malaki ang naging paghihirap nila ng kanyang mga kasama sa bahay nang mawala si Neo.
Matapos marinig ang nakaka-antig na kwento, ipinahatid naman ng mga manonood ang kanilang pakikiramay sa furparent na si Mayor TV.
@papatrichs: “Mga pet children rin namin ay mga “Schweenie”, Shih Tzu X Dachshund. Ramdam ko ang pagmamahal ninyo kay Neo. Ang mahalaga ay nakapagpahinga na sya… Good boy, Neo, Good boy.”
@papajomsTV: “Sir Omar yang kalungkotan na nadarama mo gayon mapapalitan din yan ng kasiyahan at maraming tagumpay sa buhay”
@mariOng: “Salamat dito mayor. Laban lang tayo. Tuloy ang buhay”
Watch the full vlog below: