Why Cong TV is the Number 1 YouTube Vlogger in the Philippines?

Binansagang “King of Philippine YouTube” ang Team Payaman head na si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, sa bagong vlog ng Black Cookies Production na pinamagatang “Ranking Pinoy YouTubers from Best to Worst.”

Hinatulan ng Black Cookies Production ang iba’t ibang Pinoy YouTuber gamit ang kanilang tier list na may S, A, B, C, at D tier, kung saan S Tier ang pinakamataas at D Tier ang pinakamababa.

King of Philippine YouTube 

Ang Black Cookies Production ay grupo ng content creators na binubuo ng event organizers, photographers, cinematographers, at videographers na kasalukuyang may 327K YouTube subscribers.

Para sa grupo, hindi maipagkakaila na si Cong TV ay nangunguna sa Pinoy YouTubers na may pinakamalaking impact sa industriya. 

Maliban anila sa pag “break ng rules ng pagmumura,” nilista ng grupo na mula pa sa Chicken Feet Gang, Sampung Utos serye, daily vlog, prank, family vlog, Papa Cocon vlogs, at body transformation vlogs, si Cong ay ever-evolving bilang content creator.

Dagdag pa nila, ang mga legendary one-word title at vlog thumbnails ni Cong na halos “walang sense” pero paniguradong papanoorin pa rin ng mga tao.

“‘Pag sinabi mong Cong talaga sa Pinoy, number 1,” ani Mikko Bodo.

Anila “longetivity” ang isang katangiang ipinapamalas ni Cong bilang YouTuber sapagkat kahit matagal na siyang nagsimula ay nasa “peak” pa rin ito ng kanyang karera at umaani ng higit 2 million views kada upload.

Dagdag pa nila, may pakiramdam sila na habambuhay na ang itatagal ni Cong sa industriya.

Ang feeling ko sa kanya confident siya na kahit mawala siya ng isang buwan, pag bumalik siya, aabangan siya,” ani Rafael Dianzon. 

Sa huli, itinabi ng Black Cookies Production si Cong TV sa kasabayan niyang YouTubers noong 2017, ang magkapatid na sina Ranz Kyle at Niana Guerrero na anila ay pumatok naman sa international audience. 

Sangayon rin naman sa kanila ang mga netizens sa comment section.

@RodTV: “Cong Tv SSS+ talaga! Imagine gaano kalakas impact n’ya nung pasikat na talaga siya naging interesado majority ng mga tao sa pagvovlog. I mean sobrang daming nagvlog or gumawa ng yt channel nung mga year 2017+ until now siguro dahil sa influence ni Cong.”

Kasama rin sa sinuri ng Black Cookies Production ang fiance ng Team Payaman headmaster na si Viy Cortez at kapatid na si Junnie Boy na magkatabi nilang inilagay sa A-tier.

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
690
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *