Von Ordoña Exposes Engineer Who Gambled The Budget For Family’s Supposed Dream House

Isang dismayado at problemadong Von Ordoña ang humarap sa publiko kamakailan lang upang ibahagi ang naging masamang karanasan sa engineer na dapat sana ay gagawa na pinapangarap na bahay para sa kaniyang pamilya. 

Sa isang bagong YouTube vlog, ibinunyag nito kung paano winaldas ng nasabing propesyonal sa sugal ang higit 8 milyong pisong nilaan nito para sa bahay kasama ang nobyang si Carlyn Ocampo.

Sina Von at Carlyn ay miyembro ng isa sa mga sikat na grupo ng content creators sa bansa na Billionaire Gang.

Dahil sa sugal, sinira ang pangarap namin

Kwento ni Von, hindi lang walong milyong piso ang nawala sa kanya kundi pati na rin ang pangarap na bahay para sa kanyang pamilya.

Matatandaang noong April 5 unang nanawagan si Von sa isang Facebook reel na tumugon sa kanya si Engr. Mike Bote mula sa ML Builders Construction Company na aniya ay bigla na lang nawala at hindi ma-contact.  

Kapag hindi ka sa amin nakipag-coordinate until Monday, we will create move and actions na hindi mo magugustuhan,” panawagan ni Von sa engineer.

Kwento pa ng vlogger, hindi lang sila ang tinakbuhan ng nasabing engineer kundi maging ang iba pang kliyente nito. 

Noong gabi ng April 5 ay nakausap muli ni Von si Engr. Mike sa telepono at dito na inamin sa kanya ang totoo patungkol sa perang ipinagkatiwala pampagawa ng bahay.

Wala na sir eh… na ano [pusta] sa sugal sir eh,” pag-amin ni Engr. Mike.

Ani Von, hindi na lang siya sa sarili naaawa, kundi maging sa desisyon na ginawa ng engineer na dadalhin n’ya na sa habambuhay. 

Isama mo si Lord sa lahat ng desisyon mo tsaka sa lahat ng lakad mo,” payo ni Von sa kanya.

Hiling din ng engineer na ipa-delete ang nasa video pero para kay Von,  “digital na ang karma.

Gusto niya rin gamiting leksyon ang kwento ng engineer para sa iba pang tao na lulong sa pagsusugal.

Hustisya para kay Von at iba pang kliyenteng na-scam naman angs sigaw ng mga netizens sa comment section ng vlog.

@akarigogatsu2287: “Justice for engineer Mike’s clients!!!! You all didn’t deserve to be scammed like that!! This video is not to humiliate Engineer Mike but to spread awareness about these kinds of people. ‘Wag n’yong isipin na ginawa ito ni sir Von para ipahiya si Engineer Mike, this is to spread awareness para hindi tayo matulad kay sir Von at sa iba pang clients, lalo na sa mga nag susugal jan.”

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

13 hours ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

13 hours ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

2 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

3 days ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

3 days ago

This website uses cookies.