Cong TV Promotes Healthy Work Relationship in a Recent Wheelz on the South Vlog

Isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng Team Payaman head na si Cong TV ay ang pagtutok sa araw-araw na operasyon ng negosyo nitong Wheelz on the South na matatagpuan sa Muntinlupa City.

Bukod sa pagnanais na ipakilala ang nasabing negosyo, isang aral ang mapupulot sa kanyang bagong top-trending vlog.

Healthy Employee-Employer Relationship

Inamin ng 31-anyos na vlogger at entrepreneur na isa ang negosyo nito sa dahilan kung bakit hindi na ito madalas nakakapag-upload ng mga vlogs.

Ang Wheelz on the South ay isang automotive dealership at car parts supplier na matatagpuan sa National Hwy, 1770 Muntinlupa, Philippines, Muntinlupa City.

Upang maipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng empleyado at amo, hatid ni Cong TV ang isang skit na naging usap-usapan ng mga manonood online. 

Kasama ni Cong sa nasabing vlog ang kapwa Team Payaman member na si Yow Andrada, na game na game na nakiisa sa kanyang plano.

Sa likod ng mapang-aping amo na persona nina Cong TV at Yow ay ang makabuluhang aral patungkol sa tamang pag-trato sa mga empleyado.

“Dapat tratuhin mo sila ng patas para maramdaman nila na parang parte sila ng pamilya, kasi hindi lang naman ‘to basta negosyo eh,” paliwanag ni Cong.

Touching Praises

Hindi naman napigilan ng mga manonood na ipahatid ang kanilang pagbati sa kabutihang ipinakita ni Cong TV bilang isang negosyante.

@brownsugar1064: “Saludo dun sa mga workers! Kaya kayo mahalin nyo mga workers ninyo! Kung wala sila wala rin kayo!”

@patrickjohnverzosa1650: “Minsan na lang lumabas si Kuya Yow sa vlog ni Mossing pero Material talaga ang ambag, salute [ako] sa way ni mossing to promote his business and relationship with his employees. Sarap siguro mag karoon ng amo na Cong TV!”

At syempre, hindi rin pinalagpas ng mga solid Chicken Feet Gang na purihin ang pangmalakasang one-shot drone clip sa nasabing vlog.

@brendanbernales7458: “The One Shot Drone Shot was PHENOMENAL!”

@Apps2002: “Ang bangis ng video editing. Salute to the editor and videographer. Power!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

23 hours ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

7 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

7 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.