What is Love According to Pat Gaspar, Clouie Dims, and Jai Asuncion?

Sa unang beses na nagsama sama sina Pat Velasquez at Clouie Dims sa bagong sit-down vlog ni Jai Asuncion, inilarawan nila kung ano nga ba para sa kanila ang pag-ibig.

Bago simulan ang diskusyon, pabiro munang binansagan ng tatlo ang kanilang grupo bilang “PaJaiClo.”

Usapang Pag-Ibig

Hatid ng TP girls ang iba’t ibang kahulugan ng pag-ibig na ayon sa kanila ay may iba’t iba ring uri kagaya ng friendship, romantic, intimate, at unrequited love.

Love is a commitment 

Para kay Pat Velasquez-Gaspar, may positibo at negatibong emosyong kaakibat ang pagmamahal kung saan dapat handa ang isang tao magmahal “unconditionally” o yung walang hinihinging kapalit.

Aniya, importante na handang humingi ng tawad, magpatawad, mag-adjust at magsakripisyo, upang mas humaba at tumibay ang isang relasyon.

Love makes you do things 

Ayon naman kay Jai Asuncion, ang pagmamahal ay nag-uudyok sa isang tao na gumawa ng mga bagay na hindi mo namang karaniwang ginagawa.

Depende sa relasyon at love language ng magkasintahan, importante anila ang konsepto ng “Give and Take” kung saan maibabalik ang pagmamahal na ibinibigay ng ka-partner.

“So alamin mo talaga ‘yung love language din ng partner mo,” dagdag naman ni Pat. 

Love is a choice 

Para naman kay Clouie Dims, normal lang na hindi araw-araw nararamdaman ang pagmamahal sa kasintahan dahil sa huli ang importante ay pipiliin pa rin ang isa’t isa.

Dagdag pa ni Pat, importante rin ang pag-aaway sa isang relasyon basta ito ay pinaguusapan nang maayos at hindi lang para makipagsagutan o makipagbangayan.

Team Payaman couples

Samantala, sa kalagitnaan ng diskusyon patungkol sa hiwalayan, binalikan ni Pat at Clouie ang mga karanasan sa kani-kanilang relasyon.

Kwento ni Pat, higit isang taon at isang buwan din silang naghiwalay ng ngayon ay asawa nitong si Boss Keng. Hindi kalaunan ay nagkabalikan din ang dalawa at ngayon ay kasal na.

May part na opposite kaming dalawa, pero nagko-compliment ‘yung ugali naming dalawa,“ ani Pat.

Nagbunga na rin ang kanilang pagmamahalan nang ipinanganak ang panganay na si Isla Patriel, a.k.a. Baby Isla.

Samantala, kwento ni Clouie na halos limang buwan din silang naghiwalay ng nobyong si Dudut Lang, ngunit pinili pa rin nila ang isa’t isa kung kaya tumagal ang kanilang relasyon hanggang ngayon na halos magsa-sampung taon na.

Binahagi naman ni Jai ang personal na obserbasyon niya sa Team Payaman couples: “Hindi sila palaging magkasama, hindi ko sila nakikitang sweet, pero mafi-feel mo ‘yung pagmamahalan nila, totoo talaga.”

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
88
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *