Hindi lingid sa kaalaman ng Team Payaman fans na isa ang fitness coach na si JM Macariola sa naging kaagapay ng Team Payaman sa kanilang minimithing “Quality Transformation.”
Hatid ngayon ng fitness coach turned vlogger ang kwento kung paano nga ba ito nagsimulang maging parte ng pinakamalaking grupo ng content creator sa bansa.
The TP Back Story
Sa kanyang kauna-unahang vlog, sinagot ng ni Coach JM Macariola ang tanong kung paano nga ba ito napasali sa Team Payaman.
Noon pa man ay gumagawa na ng mga nakakatuwang fitness at gym-related videos si JM sa kanyang TikTok account.
Laking pasasalamat nito sa Team Payaman members na sina Mentos Magnata at Yow Andrada na naging tulay upang maging personal fitness coach siya ng grupo.
Bukod sa regular na page-ehersisyo, kasama rin si Coach JM sa ilan sa mga kaganapan sa loob ng Congpound, dahilan upang mas lalo itong mapalapit sa grupo.
Bagamat tapos na ang fitness challenge ng Team Payaman, hindi pa rin tumitigil si Coach JM sa pagtulong sa grupo na patuloy na maging disiplinado pagdating sa pangangalaga ng kanilang katawan.
Cong TV’s Words of Wisdom
Sa nasabing vlog, ipinasilip din ng TP Fitness Coach ang tagpo kung saan binigyan ito ng ilang payo ni Cong TV sa pagsisimula ng kanyang karera sa vlogging.
Una na itong pinahiram ng vlogging camera ng Team Payaman head upang magamay nito ang paggawa ng content.
Magmula sa paghawak ng camera, hanggang sa mga content na maaaring ilabas ni Coach JM ay inihain na ni Cong TV.
“As a first-time vlogger, i-share mo kung ano ‘yung gusto mong i-share. ‘Yung mga bagay na mai-share mo sa tao na may matututunan sila sa’yo, maiimpluwensyahan mo sila,” ani Cong.
Walang paglagyan ang pasasalamat ni Coach JM kay Cong TV na nagbukas ng oportunidad upang simulan ang kanyang bagong karera.
“Maraming salamat sa’yo, Bossing. Kung hindi dahil sa’yo wala sana akong bagong AquaFlask ng Team Payaman”, biro pa nito.
Watch the full vlog below: