Indulge in the Overloaded Goodness of Awi Columna’s ‘Team Paresan’ in Cavite

Bukod sa pagiging singer-songwriter at co-founder ng Cong Clothing, isa rin sa pinagkakaabalahan ngayon ng Team Payaman member na si Raven Willian Lark Columna, a.k.a. Awi ay ang bagong bukas niyang negosyong Paresan sa Bacoor City, Cavite.

Team Paresan

Hatid ng Team Paresan ang tatlong katakam-takam at masarap na sahog sa classic Pinoy dish na Pares, gaya ng Beef, Bagnet, at Chicharong Bulaklak, na maaari ring i-order nang magkakasama o sa sari-saring kumbinasyon. 

Sa murang halagang Php 65 hanggang Php 160 ay may kasama nang unli rice at unli soup ang isang order ng nasabing budget-friendly pares.

Noong March 23 lang ay nagdagdag din ang Team Paresan ng Php 65 Hot Mami with Beef at Php 95 Chicken Pares with rice sa kanilang menu.

Kwento ng Team Paresan owner at head chef na si Awi sa YouTube vlog ng Team Canlas TV, ang konsepto at recipe sa likod ng kanyang paresan ay nagmula rin sa hilig n’ya sa pagkain ng pares at pagtukoy ng mga kulang na sahog sa mga una n’yang natikmang pares.

Nag decide ako na gawa kaya ako ng pares na akma talaga sa gusto kong panlasa, ‘yung pinakagusto kong pares na matikman,” ani Awi.

Dagdag pa nito, una niyang sinubukan buksan ang paresan sa Team Payaman Fair sa SMX Convention Center noong December 2023, kung saan sold-out ito ng tatlong araw. 

Sa pagpili naman ng lokasyon para sa una at main branch ng kanyang paresan, naisipan ni Awi na buksan ito sa bakanteng lugar sa tapat ng Bacoor National High School, kung saan sila nag-aral ng high school kasama sina Cong TV, Boss Keng, at Junnie Boy. 

Lugar na namin ‘to. Ito na ‘yung hometown namin. Dito siya maganda simulan,” sabi ni Awi.

Samantala, nagpakita naman ng kani-kanilang suporta ang iba pang members ng Team Payaman, sa pamamagitan ng paggawa ng content tungkol sa Team Paresan. Gaya na lang ng Facebook reels ni Dudut Lang, Kidnapares vlog ni Boss Keng, at YouTube vlog ng Y Kulba.  

Ang Team Paresan ay matatagpuan sa Unit C, Bunag Bldg., Burol Street, Molino 1, Bacoor, Cavite. Maaaring i-search ang “Team Paresan – Molina 1” sa Waze App upang mas madaling mahanap ang daan papunta dito.

Bukas ang Team Paresan tuwing Martes hanggang Linggo mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-tres ng umaga. 

Likes:
0 0
Views:
308
Article Categories:
SALE & PROMOTIONS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *