Agabus and Coach JM Battle for the Best Truffle Pasta for Pat

Hanggang ngayon, matunog pa rin sa Team Payaman fans ang tambalang PatAga na binubuo nina Patricia Pabingwit at Agabus Maza. Pero siyempre, hindi magpapatalo ang isa pang malapit sa puso ni Pat na si Coach JM. 

Sa bagong episode ng Dudut’s Kitchen sa YouTube channel ni Jaime Marino De Guzman, a.k.a Dudut Lang, inimbitahan niya sina Coach JM at Agabus na lumahok sa pagluto ng Truffle Pasta na siyang paboritong putahe ni Pat. 

Banat Wars

Sa hamon ni Dudut, binigyan nito ng kondisyon ang magkatunggali na tutulungan niya sa pagluluto ang sinomang makapagbibigay ng nakakakilig na banat para kay Kuya Lim, na nagpanggap bilang si Pat at binansagan nilang “Wild Pat.”

Pinangunahan ni Coach JM ang pagbato ng pickup line at sinabing: “Pat, hindi man ako laging nagluluto o ‘di talaga ‘ko marunong magluto, pero gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lang.” 

“Pat, PASTA para sayo, gagawin ko ang lahat,” banat naman ni Agabus. 

Sa unang batuhan ng linya, nagwagi si Agabus na siyang nagpakilig kay Wild Pat. 

Truffle Pasta Making

Nagpatuloy ang dalawa sa pagluluto ng Truffle Pasta habang nagbibigay ng mga nakakakilig na linya upang makahingi ng cooking tips kay Dudut. 

Sa una, tila lamang si Agabus sa paggawa ng pasta na para bang alam na alam ang kaniyang ginagawa habang si Coach JM ay nangangapa pa rin sa pagluluto. 

Bumawi naman si Coach JM sa pagbigay ng mga pickup line habang si Agabus naman ay tutok na tutok sa kaniyang pagluluto. 

“Dati kasi akong nag-work sa coffee shop. May mga pasta kasi sa coffee shop,” pagbubunyag ni Agabus. 

Sa huli ay pareho naman nilang napagtagumpayan ang pagluto ng paboritong pasta ni Pat. 

Pat’s Taste Test

Matapos ng final preparation at plating, dinala na ni Dudut ang mga Truffle Pasta para matikman ni Pat. 

“Uy infairness ah, may paganto ah. Grabe ang preparation. Ang ganda,” ani Pat. 

Habang tinitikman ang luto ng dalawa, nagbigay si Pat ng kaniyang opinyon nang hindi n’ya alam kung sino ang gumawa ng bawat pasta. Aniya, medyo dry pero malasa ang gawa ni Coach JM, habang malambot at creamy naman ang gawa ni Agabus. 

Nahirapan ito sa pagdedesisyon at nagbiro pa na wala siyang napili sa dalawa. Ngunit sa huli ay mas nagustuhan niya ang luto ni Coach JM. 

“Mas bet ko ‘to, mas lasa ‘yung truffle.” 

And the winner is…

“Si JM ang nanalo,” ani Dudut Lang.

Agad namang nakipag-shake hands si Agabus kay Coach JM at binati pa ito. 

“Congrats, tol!” bati ni Aga. 

Samantala, binunyag naman ni Dudut kay Pat ang bawat cook na nasa likod ng mga Truffle Pasta na kaniyang natikman.

“Si JM? Wow! Nagluluto ka talaga?” ani Pat. 

“Tinulungan lang din ako ni Dudut,” sagot naman ni Coach JM. 

Bago matapos ang vlog, nagbigay  ng mensahe si Dudut Lang para sa mga manonood.  

“Hindi ito ang punto ng laro. Ang punto ng laro ay meron akong dalawang kasamang lalaki na handang magluto kahit wala silang idea sa kung anong gagawin nila. Parehas nilang ginalingan, parehas nilang sinarapan.” 

“Bilang tagapangalaga at host ng show na ‘to, my vote is for Aga. However, that is not the show,” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

Join Junnie Boy in His Ultimate Self-Care Relaxation Day

Ang bagong vlog ni Junnie Boy hatid ay isang relaxation day kasama ang mga kaibigan…

10 hours ago

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

18 hours ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

2 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

2 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

3 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

3 days ago

This website uses cookies.