Bagong Cong’s Anlibabol Dishwashing Liquid, Kilalanin!

Ipinakilala ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa bagong YouTube vlog ang kanyang bagong business venture na Cong’s Anlibabol Dishwashing Liquid. 

Kwento ng 32-anyos na vlogger, ang kikitain sa nasabing bagong negosyo ay pangdagdag sa budget sa pinapagawang bagong bahay nila ng soon-to-be wife na si Viy Cortez.

Cong’s Tindero Era

Upang maibenta ang produkto, kinailangan ni Cong na dumiskarte sa pamamagitan ng pagtitinda sa kalsada.

Cong is my name, benta is my game,” ani Cong matapos makabenta ng unang dishwashing liquid na personal niyang ginawa gamit ang Wise Cleaner DIY Dishwashing Liquid Kit. 

Pinabasbasan din ni Cong kay Father Nelson Osorio ang mga produkto upang pagpalain pa aniya ang pagbebenta nito. 

Isa rin sa hiningian ni Cong ng tulong ay ang kanyang dating resident homeboy na si Kuya Inday, na kanya pang nilibre ng pamasahe pauwi mula sa Dumaguete.

Kailangan ko ng tulong mo, kailangan ko ‘yung matigas ang mukha! Medyo nahihiya kasi ako eh,” ani Cong kay Kuya Inday.

Game na game namang tumulong si Kuya Inday sa isang maghapong paglalako ng bagong dishwashing liquid.

Samantala, isang nakakaantig na engkwentro naman ang naranasan nina Cong at Kuya Inday nang bumili sa kanila ang isang babaeng streetsweeper.

Bibilhan na nga lang kita ng isa para pagpalain ka,” ani ate. 

Bilang pasasalamat ay binalikan siya ni Cong sabay abot ang munting regalo.

Salamat nay ah, kasi dahil sa’yo lumago ang negosyo ko, na-bless ako ng Panginoon.” 

Labis namang hinangaan ng netizens ang nasabing streetsweeper na bukas sa loob ang pagtulong sa paglalako ng paninda ni Cong. 

Na touch ako kay ate na nagwawalis salute! May nakausap ka talaga na ganto gaganahan ka para sa pangarap mo,” komento ng isang netizen. 

Dagdag pa ng isa: “She didn’t even knew him. She just genuinely wanted to help him, out of the kindness of her heart.” 

Samantala, nag-iwan naman si Cong ng mensahe para sa mga gusto ring magsimula ng sariling negosyo: “Ang tanging pumipigil sayo sa pag-abot ng pangarap mo ay ikaw.

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
190
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *