Top 5 Kidlat and Genggeng Moments That Are Giving Major Siblings Energy 

Sa mga nagdaang taon, nakilala si Kevin Cancamo, a.k.a “Genggeng” bilang bagong kasapi ng Team Payaman. Nagsimula siya bilang isang solid fan ng grupo at ngayon ay naging kanang-kamay ni Cong TV. 

Bukod sa pagiging all-around assistant ng Team Payaman, napalapit na rin ang kaniyang loob sa mga miyembro nito at hindi nagtagal ay naging opisyal nang bahagi ng grupo. 

Maliban sa mga vlogger ng grupo, nakabuo rin si Genggeng ng espesyal na relasyon kay Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat – ang panganay na anak ng Team Payaman power couple na sina Cong TV at Viy Cortez

Base sa mga uploads ni Genggeng sa social media, animo’y tunay na magkapatid ang dalawa dahil sa kanilang kakaibang bonding. Narito ang ilan sa mga paborito naming Kidlat-Genggeng moments na talaga namang nagpapakita ng “major siblings energy.” 

Playtime Bonding 

Sa isang TikTok post ni Genggeng, makikita ang kaniyang pakikipaglaro kay Kidlat na siya namang ikinatuwa ng isang taong gulang na anak nina Cong at Viy.

“Ayun, hindi nakatulog kasi nilaro ko. Sorry bebi hehe!” ani Genggeng sa caption ng nasabing post. 

Talaga namang hindi maipagkakaila na malapit ang loob ni Kidlat sa kaniyang Kuya Genggeng. 

Bringing Out Kidlat’s Bungisngis 

Sa isa pang Tiktok video, makikita ang isa pang kulitan ng dalawa kung saan tila kuhang kuha ni Genggeng ang kiliti ni Kidlat, dahilan upang mapabungisngis ito sa tuwa. 

“Wala pa nga eh, grabe ka na agad tumawa!” ani Genggeng. 

Ikinatuwa naman ito ng mga taga-hanga ng Team Payaman at nag-iwan pa ng mga komento. 

“Kay Genggeng ko lang naririnig tumawa ng gan’yan si Kidlat,” sabi ng isang netizen. 

When Genggeng Made It to Kidlat’s Party 

Sa video nito sa 1st birthday party ni Kidlat, makikitang late na si Genggeng pero umabot pa rin ito para makipagbonding sa chikiting.  

Naabutan niyang naglalaro si Kidlat at nang makita siya nito, bumungad sa kan’ya ang maganda at napaka-cute na ngiti ng YouTube baby ng taon. Sa huli ay naglaro na ang dalawa at tila ayaw nang paalisin ni Kidlat si Genggeng sa kanyang tabi. 

Say Kuya Genggeng 

Sobrang ikinatuwa naman ni Kevin Cancamo nang tuluyan nang nabigkas ni Kidlat ang kaniyang pangalan na may kasama nang “Kuya.”  

“Dati hirap siya bigkasin [ang] kuya kasi mahaba kaya Genggeng muna. But now…” 

Makikitang magka-video call ang dalawa ngunit tutok pa rin ang atensiyon ni Kidlat kay Genggeng at tuwang-tuwa pa ito dahil sa mga napaka-cute na ngiti ng bata. 

“Happy pill talaga ni Kidlat si Genggeng,” komento ng isang fan. 

@definitelynotgeng

Dati nahihirapan siya kapag may kuya pa kasi mahaba kaya genggeng muna but now kaya na niya lagyan ng kuya omg🥰 @Cong TV @Viy Cortez

♬ Eastside – benny blanco & Halsey & Khalid

Carry Me, Kuya Geng! 

Samantala, sa video na ito makikitang umiiyak si Kidlat at tila gustong magpabuhat sa kaniyang Kuya Genggeng. 

Nang buhatin ito ni Geng, tumigil ang kaniyang iyak at kumalma. Pero nang ibalik ito kay Ate Acar na siyang nagbabantay sa kaniya, umiyak ito ulit. 

Sa huli ay kumalma naman si Kidlat at nakakaaliw pa itong nag ba-bye. Talaga namang napaka-clingy ni Kidlat sa kaniyang kuya Geng. 

“Favorite ka talaga ni Kidlat,” ayon sa isang fan.

“Ikaw na talaga ang paboritong tito. Wala ng papalit sayo,” dagdag pa ng isa. 

Ilang lamang ito sa mga bonding moments na nagpapakita ng kakaibang samahan nina Kidlat at Genggeng. I-comment ang inyong paboritong Kidlat-Genggeng moments sa comment section, mga kapitbahay!

Likes:
0 0
Views:
198
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *