Viy Cortez pulls off the most authentic ‘Itago ang Motor Prank’ on Cong TV

Viy Cortez prankster era is back! At sino pa ba ang kanyang numero unong biktima kundi ang nag-iisang Cong TV, na minsan nang binansagan ang kaniyang sarili bilang “The Unprankable Greatest Prankster.”

Dahil maagang nakatulog ang fiance na si Cong TV, hindi pinalagpas ni Viviys ang pagkakataon para sa isang  “Oplan Itago ang Motor Prank”.

The Setup 

Kwento ni Viy sa kanyang bagong vlog, nakatakdang mag-ride si Cong sa Zambales kasama ang Y Kulba

“Pumapayag naman talaga ako, pero gusto ko lang bigyan ng thrill ‘yung pagpayag ko,” biro ng 27-anyos na vlogger.

Sa bigat na taglay ng mga motor ni Cong TV, kinailangan ni Viy na humingi ng tulong sa ibang Team Payaman boys gaya nina Kuya Terio, Kuya Jonas, at Genggeng upang buhatin at itago ang mga motor sa ibang garahe. 

Laking galak naman ni Viy noong matagumpay nilang naitago ang mga motor nang hindi nagigising si Cong.

Cong’s Reaction

Pag gising ng 31-anyos na Team Payaman head, nagtataka na lang itong tumitig sa kanyang bakanteng garahe. Naghinala na agad si Cong na prank lang ito sa kanya ng mga kasamahan sa Congpound.

“Alam n’yo kung may camera jan, naiinis ako dahil inubos n’yo oras ko. Imbis na nakabihis na ako. Hindi naman nawawala ‘yun eh, nanja-jan lang ‘yun, tinatarantado lang ako eh,” ani Cong TV. 

“Pag ako hindi talaga sumama ah. Isang linggo akong pikon sa inyo, tingnan n’yo,” dagdag pa nito.

Bagamat hindi pa rin matagpuan ang pinakamamahal na motor, patuloy na nagbihis at naghanda si Cong, at minabuti na lang na magpaiwan sa mga kasamang nakatakdang umalis ng alas kwatro y medya ng umaga.

Maya-maya pa ay bumaba na rin ang utak sa likod ng prank na todo ang pagpapanggap na wala siyang alam sa mga pangyayari. 

Pero muling pinatunayan ni Cong na siya pa rin ay “Unprankable” nang tila kausapin nito ang hidden camera ng kanyang editor na si Agabus.

“Bakit mo ‘ko ipa-prank, vlogger ako. Alam ko lahat, kung asan ‘yung mga camera,” biro ng Greatest Prankster.

Bagamat hindi nagtagumpay ang nasabing prank, pinabaunan pa rin ni Viviys ang kanyang future husband ng pocket money pangkain at pang gas. 

“Worth it ‘yung paghihintay ko. Worth it ‘yung prank!” masayang sabi ni Cong. 

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
597
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *